Chapter 10

99 5 0
                                    

Chapter 10 

Sleep


When a promise is made the moment you were in your childhood days, you'll never ever forget it. You'll look up to it..even up to these days.

Once in a lazy afternoon, someone brought me in a paradise. Na tanging ang mga Valencia lamang ang nakakatapak doon. It was a private property, as what he said.

Those memories lingered in my mind. I was so young and so I didn't know what I was saying. Na mas nangunguna na ang nararamdaman, hindi na baleng.. hindi na baleng mahulog at masaktan.

Tumingin ako sa karagatan, sa walang hanggang karagatan ng Norte. Ang paglubog ng araw sa kanluran. Ang kulay sa kalangitan. It would always remind me of that memory. Nagawa kong nangako. Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagsilay ng mapait na ngiti. My memory of him in that paradise, in the North changed everything.

I was fifteen.. My perspectives in life..my plans..my feelings gradually evolved into a deeper one. Kung akala ko ang buhay ko ay iikot na lamang sa tabing-dagat, sa pagpapantasya sa portrait ng crush kong Valencia at ang pagiging pabaya ko sa school.

It all changed when he gave me a glimpse of his world. Ang mundo niya'y malawak. It has the avenue of more success than failure..And the only thing I could do but to imagine him..the young girl's dream is to reach him. To get out of my comfort zone and risk my young heart just to reach him.

Dear Diary,

Alam mo bang sa durasyon ng summer ay nakilala ko ang panganay na apo ni Don Manuel?

Muli kong naalala ang masungit niyang mukha na kapag nangingiti ay umaaliwalas at lalong gumagwapo sa mata. But that was once at hindi na nasundan pang muli dahil nagtungo na siya ng America.

Their stay in the North led me to many experiences. Kahit kasama man doon ay ang pagtuklas ko sa bawat babaeng umaaligid sa kan'ya. Kinukurot ang puso ko sa bahaging iyon. He was twenty and I was only fifteen. Ano namang kaalam-alam ko sa mga bagay na ukol doon?

Hindi ko pa alam ang direksyon ko sa buhay habang siya'y may naghihintay ng malaking responsibilidad. Pag-uwi kaya niya galing America, matatandaan pa kaya niya ako?

Tiniklop ko iyong notebook ko at nilagay sa aking bag.

"Ang layo pala talaga ng America," bulong ko sa aking sarili.

Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang globo at tsaka pinaikot-ikot iyon. I traced the distance..from Ilocos Norte to America. Saang bahagi kaya siya ng America naroroon? Not as if mararating ko man iyon.

"Lola, sa America rin ho ba ang tungo ng Don at Donya?"

"Oo, hija. Bakit?"

Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit na hindi naman dapat. Nagtataka tuloy ako kung sino kaya ang kasama ni Christiano roon. Kung maaaring ang lolo at lola kaya niya.

Nagsimula ang school year at itinatak ko sa taon na iyon na hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay sa'kin. I was so inspired to study thinking I could reach America after college. Animo ay ganoon kadaling lisanin ang bansa kahit na nakapagtapos ka na ng pag-aaral.

Someday, after all these, I could freely hope.

"Prami. Totoo ba ang nakikita ko? Nagrereview ka talaga?"

"Bakit? May estudyante bang hindi nagrereview?" kunot-noong wika ko.

"Ikaw!" sabay na wika nila ni Paeng.

"Mahirap na kapag hindi nakapasa," pangangatwiran ko.

Naningkit pa ang mata ng dalawa at sinipat ang aking noo. Nagkibit na lang ako ng balikat. Huling taon na sa junior high school. Kung hindi ko pa seseryosohin ang pag-aaral ko ay talagang malalagot na ako kay Lola.

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon