Chapter 15
Leave
I used to think about the deep-rooted reason of hate because I don't think I deserve it. Ang klase ng pagmamalupit nila ang nagturo sa akin na hindi lahat ng kadugo mo ay pamilya ang turing sa'yo.
And I had to endure it because at the back of my mind, I had no one to run to. I had no family maliban sa mga Abella. Itinanim ko sa isip ko na kahit para na lang sa mga magulang na hinihintay kong balikan ako.
But it came to an end.
Napagtanto ko na baka nga ako ang sumira ng pamilya ni Lolo. Ako ang naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng matanda at ng kan'yang mga anak.
Wala akong ideya kung paano ko pa maipagpapatuloy ang huling taon ng high school. My aunts hated me that much that they won't try to see me the way a family should be. Hindi nila nakikita na sinusubukan kong ilapit ang sarili sa kanila. Kahit malaki ang naging kapalit sa pagkatao ko.
Mas lalong lumaki ang pagtatampo ng mga anak at apo ni Lolo Filomeno sa kan'ya. I feel so responsible for it. At habang patagal nang patagal, lalo silang nagiging malupit sa akin. Pakiramdam ko ay tuluyan na nga akong mag-isa.
Onti-onting nanghihina si Lolo Filomeno. Nangyari iyon dahil subsob pa rin siya sa pagtatrabaho kahit matanda na siya. He badly wanted to provide for the family. Pero katawan niya mismo ang sumusuko sa kan'ya. Kaya kong magtiis dahil sa matandang nag-aruga sa akin sa loob ng isang taon. Kahit siya na lang ang rason ng pagtitiis at pananatili ko roon.
"Sabihin mo sa akin ang totoo, hija? Sinasaktan ka ba ng mga tiyahin mo habang wala ako?" tanong ng matanda.
Naaawa ako sa kan'ya kaysa sa sarili ko dahil alam kong mahina na siya. Hindi lang niya magawang isatinig iyon. Doon nanggagaling ang takot ko na baka sa sandaling malaman niya, mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay niya.
"Ayos lang po, Lolo. Kasalanan ko din naman," mahinang bulong ko.
Kung totoo ngang iyon ay kasalanan ko. They hated my presence so much that I couldn't help but to question my entire existence. Kung tama pa ba ang desisyon ko na doon sa San Antonio manatili.
"Sumosobra na sila, apo. Hindi ako makapapayag na gan'yanin ka nila pero sana nga hinayaan na lang kita sa mga Valencia. Hindi sana magiging ganito ang buhay mo."
"Huwag niyo pong sabihin iyan, Lolo. Masaya po ako dahil kahit papaano ay may pamilya pa rin ako."
"Pero hindi naging pamilya ang turing sa iyo ng mga anak ko, hindi ba?"
"Huwag niyo na pong alalahanin iyon, Lolo. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko."
Napabuntong-hininga ang matanda. That summer, I busied myself helping the old man. Nawalan na rin siya ng perang maaaring pambayad sa mga mamimitas ng mga mangga kaya wala kaming pagpipilian kung hindi kami mismo ang gumawa n'on.
Si Lolo Filomeno ay hindi na malakas gaya noong nakaraang taon. He grew weaker. Iyon ang kinakatakutan kung mangyari na baka mangyari sa kan'ya ang nangyari sa Lola ko. Ang biglaang pag-alis.
"Hindi ka na binibisita ng mga Valencia, apo?"
Umiling ako. Simula noong huling tawag ko kay Ery halos isang taon na ang lumipas at magmula noong nasira ang cellphone ko ay hindi ko na nagawa pang makipag-komunikasyon sa kanila. At tsaka ayoko nang manggulo ng tao. Iyon na marahil ang panghuli. They have lives to live too. Hindi ibig sabihin na palagi na lang ako ang inaalala nila, lalo na ang mga Valencia.
"Lolo, ubos na ang allowance ko."
"Pasensya na apo, hindi kasi—"
"Ang sabihin niyo sa ampon na iyan niyo ibinibigay ang pera!"
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...