Chapter 30
Over
"Lumabas ka na riyan, Prami. Hinihintay ka na ng boyfriend mong kano!"
Nabulabog ako mula sa kusina nang marinig si Nanay Bebs. Tumawa si Chloe at naki-asar lalo.
"Sino?" nakangiwing sambit ko.
"Sino pa nga ba? Eh 'di 'yong kanong nangungulit sa'yo?"
"Kanina pa po niyo ako inaasar sa kanong boyfriend na 'yan, Nanay Bebs. Eh hindi nga kami niyan. Tinatawagan lang ako. Ikaw kasi ang may pakana niyan, Chloe."
"Makamandag kasi ang beauty mo, friend! Aayaw pa ba tayo sa grasya? Malay mo at baka kunin tayo at gawing cook sa America hindi ba?"
Hindi ko pinansin ang kan'yang sinabi. Dumiretso ako sa isa naming customer at kinuha ang kan'yang order.
"Ayan naman ang masugid na manliligaw. Bakit feeling ko, kayo talaga nitong si Gelo," si Nanay Bebs.
Siniko ako ni Chloe kaya ako napatingin sa itinuturo niya. Pinandilatan ko siya ng mata. Anong kami ni Gelo?
"Kumusta, Prami?"
"Bakit siya lang ang kinukumusta mo, Gelo?" nakangiwing ani ni Chloe.
Pumalakpak si Nanay Bebs. "Ayan naman ang manok ko. Hindi sumusuko. Ano na? Wala bang improvement sa inyong dalawa ni Gelo?"
"Tanungin muna natin kung.."
"Nakamove-on na? Ano? Prami? Nakamove-on ka na ba?"
Bumuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. Ano bang maaari kong isagot doon? Nakamove-on na ba ako? Tuluyan ko na ba siyang nakalimutan? Ganoon ba kadali makalimot?
"Bakit naman kasi ganoon? Nangibang-bansa lang, nakalimot na? Ang masama pa, pinagpalit pa sa mas malapit."
"Wala ka bang balita sa kan'ya, Prami?"
Umiling ako. It was our third year anniversary when it fell apart. The whole month has been a rollercoaster ride of emotions. Pero siguro ay naghiwalay na kami pagtapak niya sa eroplano and that everything after he left was mere hopes.
Anger..betrayal..pain.
Everything goes through a certain process. Or perhaps we never use the time given to forgive, forget and move forward. Kung sana kaya ko lang. Kung sana kaya ko siyang komprontahin. Kung sana kaya kong humarap sa kan'ya.
"Walang-wala ang ganda kapag 'yong nasa 'baba' na ang gumana," sambit ni Nanay Bebs.
I just hope that their realtalks would awaken me from my false hopes. Hindi man ako naglalabas ng sama ng loob at parati ay sinasabing ayos lang kahit ang totoo ay masamang-masama at ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko.
"Pisteng lalake naman kasi 'yan. Baka kapag nakita ko ay masampal ko pa ng chopping board."
"Baka kapag nakita niyo siya sa personal nanay, maglaway kayo kung gaano kagwapo."
"Hay, Chlo! Aanhin mo naman 'yang pagiging pogi niyan kung babaero naman?"
"Paano naman kasi, Nay? Itong alaga niyo, mahal na mahal pa niya 'yong tao eh."
Mabilis akong tumayo at tumungo sa loob ng kusina. Sumandal ako sa counter at isang malalim na hininga ang aking ginawa.
A month ago, sinubukan ko ulit siyang kontakin. It was for a double celebration. For his masters abroad and for our anniversary. Tinapangan ko ang loob ko. Because I knew in my heart, nagdaan man ang dalawang taon, walang nagbago sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...