040
Alam mo para kang manunulat;
Ikaw ang nagsimula ng lahat.
Dumating ka't ipinaramdam sa akin ang tunay kong halaga.
Lagi mo akong pinapangiti kung kaya't ako'y tuwang-tuwa.Hindi ko alam na ako'y iyong tuturuan,
Ng pagiging magaling sa tanga-tangahan.
Hindi mo naman ako kaagad sinabihan,
Nasa loob na pala tayo ng palaruan.Sa larong habol-habulan, ako ang taya.
Sa larong tagu-taguan, ika'y madaya.
Sapagkat patuloy akong nagsikap upang mahanap ka,
Iyon pala'y nakikipaglaro ka na sa iba.Ang galing...napakagaling mong mahikero,
Biruin mo, nawala ka bigla sa buhay ko.
Sa umpisa, pinangiti mo ako ng todo,
Sa huli, nag-iwan ka lang ng pangako.Walang duda, isa ka ngang manunulat;
Ikaw din ang nagtapos ng lahat.
Umalis ka't ipinaramdam sa akin kung gaano ako katanga.
Matagal mo na akong niloloko subalit ako parin ay tuwang-tuwa.
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD