53 Pagkahulog

11 5 0
                                    

053

Kamusta?
Kumain ka na ba?
Magandang umaga; magandang gabi
H'wag magpupuyat, tandaang nandirito lang ako sa iyong tabi.

Iyan ang mga salitang sa akin ay bumuo.
Araw-araw, pinapangiti mo ako.
Sa sobrang saya, nagpupuyat pa sa'yo.
'Di ko inakalang sasaktan din ako ng mga salitang ito.

Sapagkat, hindi lang pala ako ang sinasabihan mo ng gan'on.
Marami kaming umaasang may mabuong 'tayo' sa paglipas ng panahon.
Kasalanan ko rin; umasa ako.
May kasalanan ka rin, ako'y sinanay mo.

Ang tanga ko sa parteng, nahulog ako:
Nahulog ako sa bangin ng puso mo,
Nahulog ako sa patibong ng salita mo.
Kailanman 'di mo man lang ako sinalo.

Salamat sa lahat,
H'wag ka na sanang pakalat-kalat.
Isiping maghirap linisin ang iniwan mong kalat.
Nagsayang ako ng oras sa taong 'di ako magiging sapat.

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon