015
Mahilig ka pala sa pag-ukit;
Kasi nakaukit na ang sakit.
Mahilig ka palang gumuhit;
Ginuhit mo ang kapalarang mapait.Magaling kang manunula;
Nadala mo sa mabulaklak na salita.
Magaling kang manghuhula;
Kasi nahulaan mong ako'y tatanga-tanga.Magaling ka rin pala sa pagkanta;
Kaya bumirit ka ng mga masasamang salita.
Magaling ka sa musika;
Kahit kasinungalingan, pinapakinggan kita.Magaling ka palang magkulay;
Kinulayan mo ng itim ang aking buhay.
Magaling ka palang guro;
Kawalan ng tiwala ay iyong tinuro.Mahilig ka rin palang sumayaw;
Kaya ang galing mong makisawsaw.
Akala mo'y ikaw lang ang tama;
Sa'yo wala akong panama.Higante ka rin pala;
Inaapak-apakan lang ako talaga.
Oo, maliit na;
Ngunit, ika'y 'di na papatulan pa.Siraulo ako, inaamin ko;
Ngunit mas sira pa ata ang ulo mo.
Masyado kang talentado;
Na nagiging isa ka ng tarantado at walang modo.©loud
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD