028
Hindi lahat ng babae mapanakit
Hindi lahat ng lalaki may dalang sakit
Hindi na dapat nilalahat
Hindi na dapat pang isumbatHindi mo pa kilala
Husga ka ng husga
Ni hindi mo pa nga napapakinggan
Ni hindi mo pa nga nasusubukanWag mong idamay ang iba
Sa problema mo sa kanya
Nilalamon ka ng galit
Binabago ka ng sakitMga tingin mo sa iba'y nanliit
Pwede bang kahit minsan mata mo'y ipikit?
Mas mabuting manatili sa kadiliman
Kaysa paulit-ulit na masaktanNakakasakit ka kasi pag ganyan
Nantataboy ka ng walang dahilan
Nakasaraudo ang utak
Lahat ng lumalapit tinutulakGusto ka lang tulungan
Pero hindi na kailangan
Ayaw mo na bang sumaya?
Ayaw mo bang lumaya?Mahirap makulong
Lalo't hindi ikaw ang may sala
Mahirap tumulong
Kung puso mo'y ayaw ng lumayaSumbatan mo ako
Awayin mo ako
Saktan mo ako
Kung yan ang ikakagaan ng loob moKung luha ang kukunin mong kapalit
Tatayo ako at aakuin ang sakit
Yayakapin kita ng mahigpit
Kahit makatanggap pa ng laitTandaan mong hindi lahat ng nagmamahal
Nauuwi sa kasal
Hindi lahat ng sumaya
Hindi nakaranas ng pagluhaAt hindi lahat ng ipinaglaban
Hindi nakaranas ng pag-iwan
Kasi kailangan munang masaktan
Bago mahanap ang totoong pagmamahalanKailangan munang umiyak
Para matiyak
Kailangan munang matuto
Para maging totooHindi lahat ng tao tapat
Hindi lahat ng tao karapat dapat
Hindi ka magiging sapat
Kasi hindi kayo ang dapatHayaan mo na
Para mapalapit na sya
Yung matatawag mong sayo
Yung papangitiin kang totoo©loud
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD