042
Ito ang tulang walang titulo.
Gabi-gabing paglalambingan kahit walang kayo.
Ito ang tulang walang sinasanto.
Nagseselos? Bakit ano ba kayo?Kung maglambingan tila ba ang isa't isa'y pag-aari.
Kung iisipin, hindi naman talaga ikaw ang pinili.
Pagpasensyahan mo na kung nadali.
Maghintay ka, makakahanap din 'yan ng bagong magpapangiti.Ampalaya, ako ba?
Kayo ba, ano na?
Malamig na ba talaga?
Palatandaan na 'yan para tumigil ka na.Ako lang 'to ang mapait na ulap.
Sari-saring kwento ay aking nakalap.
Nararamdaman kong hindi mo na mahagilap.
Ba't mo hahanapin, hindi ka nga hinahanap?Ang nais ko lamang ay magising ka na.
Katotohanan ito hindi isang nobela.
Maaaring magkaroon ka rin ng sariling istorya,
Ngunit, hindi mo hawak ang buhay ng iba.May mas magandang kwento.
Mas nakakakilig pa nga siguro.
D'on ka sa taong tanggap at mamahalin ka bawat segundo.
Hindi sa taong ipinanganak lang para mangako.
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD