050
Ginawa ko na ang iba't ibang paraan,
Binigay ko na ang ilang parteng iyong kinakailangan,
Subalit lahat ng ito, kulang pa 'yan.
Siya; ang huling parte ngayon ko lang nalaman.Binuo ka niya samantalang taga-ayos lang ako.
Minahal mo siya ngunit ako'y naghihintay pa rin sa'yo.
Laban ako ng laban 'di alintanang matagal na akong natalo.
Habol ako ng habol 'di inaakalang nakikisiksik sa inyo.Ako ang takbuhan, siya ang iyong katahimikan.
Sa akin ka sa kalungkutan, sa kanya ka sa kaligayahan.
Naaalala lang ako 'pag may kailangan,
Subalit, tama na siguro 'to sarili ko naman.Sa kagustuhan kong mabuo ka,
Sarili ko'y napapabayaan.
Siguro, kaya mo na,
Pipiliin ko naman ang aking kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
Thơ caNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD