006
Sa mundong likha ng isip ko;
Masasaya ang mga tao,
Nagmamahalan ang mga ito;
At may ikaw at ako.Gugustuhin kong managinip;
Kaysa sa masaksihan kang naiinip.
Palagi na lang akong nakasilip;
Sa puso mong para sa'kin ay nakaidlip.Alam kong 'di ka na masaya;
Pero makapal na ako pasensya,
Ikaw ang aking pantasya;
Kahit ako lang naman ang nagsasaya.'Di kita pipilitin;
Kung nais mong lumayo sa'kin.
'Di kita pipilitin;
'Di ka naman akin.Kahit na maging malungkot;
Bibitawan kita.
Kahit ako'y takot;
Papalayain ka na.Hindi ako ang magpapasaya,
Mahahanap mo lang kung ako'y wala na.
Hadlang kumbaga,
Sinag na nakakasakit sa mata.Nasa malayo ako;
Tinititigan ka.
Nasa malayo ako;
Minamahal ka pa.Sa mga araw na wala ka na;
Sana ako ay sumaya.
Isang buntong-hininga;
Gabi-gabing pagluha.Sa oras na malimutan ka;
'Di ko alam kung muli bang susugal.
Sa oras na nabura ka na;
'Di na alam kung ako ba'y muling magmamahal.@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoezieNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD