️054
Paulit-ulit man nilang itatak sa isipan ko ang iba't ibang salita,
Hinding-hindi talaga maghihilom ang sugat kapag hindi pa ako handa:
Handang tanggapin ang mga nangyari,
Handang itayo ang nalugmok kong sarili.Sa iyong pagkawala ay maraming nagbago.
Sa isip, puso at ala-ala ko'y kasama ka pa rin dito.
'Yong tipong matagal ka ng naglaho,
Ngunit sariwang-sariwa pa rin ang 'yong mga pangako.Ang mundong ito ay punong-puno ng aral na kailangan kong malaman,
Ngunit hindi naman ata tama na ilayo ka sa akin para lang may matutunan.
Kasi ang sakit-sakit, nakangiti ako pero pilit.
Humiling man ako ng paulit-ulit, lagi ka pa rin sa aking ipagkakait.Hindi naman raw kasi ikaw ang para sa akin.
May darating pang iba na tiyak aking gugustuhin.
Pero paano 'to? Ikaw ang gusto ko?
Pa'no ba 'to? Naiwanan na ako.Hindi ko kontrolado ang lahat,
Ni kaalaman ko'y hindi pa sapat.
Hibang na ba ako kung hihilingin ko ang pagbabalik mo?
Hibang na ba ako kung bawat araw na lumipas ikaw pa rin ang nasa puso ko?Alam kong humihilom ang lahat ng sugat,
Ngunit laman pa rin nito ang nagdaang sakit.
Magmamarka ito at magiging isang pilat,
Na magpapaalalang, ang pagmamahal ay may kaakibat na pait.
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD