038
'Pag may alak, may balak
Saksi lahat ng bote sa bawat pagtatalak
Sakit na nararamdaman ay nais lang itulak
Gustong makalimot gamit ang alakMali nga ba ang paglalasing?
Kung ang nais lang naman ay magising
Magising sa katotohanang napaka lupit ng tadhana
Ni hindi maibigay ang kasagutan ng tamaKasagutan kung s'ya ba ay mapapasa-iyo
"Kung may panghahawakan na ba ako?"
Hanggang ngayon wala pa ring kayo
Pero para sa'yo, "parang merong tayo"Alak ay nananakit ng ulo
S'ya nananakit ng puso
Alak ay nagpapabaliw sa'yo
S'ya ang gumugulo ng isip moMasama nga bang gustuhing makalimot?
Kung doon lang naman nababawasan ang lungkot?
"Masama nga bang hingin ka sa bituing maramot?"
"Gusto ko lang namang sa akin 'di ka makalimot"Nakakapagod na ang ganito
Alak at ikaw parehong magastos
Ang kaibahan lang dito
Alak lang ang may paki, "ikaw laging nagpapaselos""Maglalasing ako"
"Makalaya lang sa'yo"
"Bukas magiging okay rin ako"
"Magpapaalam na rin sa'yo"
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD