049
“Pwede bang ikaw na lang?
Ang dahilan ng aking pagngiti
Ang laman ng aking mga tula
Ang paksa ng aking mga kanta”Ang bubuo at babago sa mga masalimoot na kwento
Ang tatanggap sa'kin ng buong puso
Walang hinihinging kapalit kun'di pagmamahalan
Walang pakialam sa aking nakaraanMamahalin ako ng walang pag-aalinlangan
Marunong umintindi, makikipagsabayan
Marunong tumupad sa usapan
Magpapaalam kung sakaling mang-iiwan“Ikaw na lang sana
Kaso 'di ako 'di ba?
Kasi imposibleng magkasama pa
Ikaw at ako—mundo'y magkaiba”Dati ka ng laman ng aking mga tula
Dati ka ng paksa ng aking mga kanta
Dati ay may tayo pa
Sa kathang-isip na mundong naglaho na
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD