46 Balang Araw

5 4 0
                                    

046



Balang araw!

Biyaya'y darating; magtatagumpay ka na,

Maniwala't magsikap; aangat ka pa!

Ito naman, binibiro ka lang.

Mali ang mga 'yan.

Kahit anong gawin, mananatili ka pa rin sa baba.

Kahit saan tumingin, ikaw na lang ang walang nagagawa;

Sinasabi ko lang ang katotohanan.

Pasensya ka na.

Magaling ka at wala ring katulad.

Walang kaduda-dudang, ika'y uunlad.

Naniniwala ka talaga?

Ikaw ay patapon; basura!

Masyado ka na atang pabida,

Tumigil ka...

Utak ay puro negatibo ang laman.

Walang magawang tama kaya nalalamangan.

Tama iyan!

Laging may paraan?

H'wag maniwala...

Sukuan!

Tumigil ka na sa pangangarap;

Na—ikaw ay pabigat; hindi karapat-dapat,

Totoo!

Hindi naman talaga...

Sasang-ayon pa nga ang ibang tao.

Sa'yong kapalpakan at nakadikit na kamalasan;

Itatakwil ka ng karamihan.

Balang Araw!

—Basahin Paitaas.

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon