7 Kalawakan

27 6 0
                                    

0️07

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan kapag kapiling kang tumitig sa kawalan. Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa..."

-

Kalawakan ang nagsilbing ala-ala;
Sa masaya nating pagsasama:
Pagsasamang 'di na tumagal;
Kasi nga 'di na ako mahal.


Kalawakang madilim;
Katulad ng relasyon natin.
Kalawakang may bituin;
Na sabi mo'y susungkitin para sa'kin.


Ibibigay ang buwan,
Ulap ay magkasamang sasakyan.
Ang pangakong pangkalawakan;
Naiwanan sa kawalan.


Mundo nati'y nag-iba;
Simula nung nangarap ka:
Nangarap kasama s'ya,
Kalawaka'y muli mong inialay sa kanya.


Ako'y nakatulala,
'Di makapaniwala.
Ang kalawakang ninais mo para sa atin;
'Di na pala mauuwi para sa'kin.


Nakakalungkot pakinggan;
Ngunit ikaw at ako, pinagsama para bumuo ng kalawakan:
Kalawakan na nasira dahil sa'yo,
Kalawakan na 'di na muling mabubuo.

@ᴄʟᴏᴜᴅ

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon