014
Sa kabaitang ipinapakita,
Sa bawat pag-aalala,
Sa pagiging mapag-aruga,
Hindi namalayang inaabuso ka na.Sa bawat paglapit;
Kunwari'y may pagmamalasakit.
'Di mo alam talikuran ng nilalait,
Kung may kailangan ay bumabait.Nasanay ka na sa ganyang pagtrato;
Dahil nga malambot ang 'yong puso.
Inaabuso ka na ng mga tao,
Handa ka pa ring maglahad ng kamay para sa mga ito.Isa kang mabait na tanga;
Uto-uto, kumbaga.
Sa sobrang bait, naloloko ka na,
Pwede bang tigilan mo na?Walang mali sa pagtulong;
Pero 'wag mo naman sanang ikulong:
Ikulong ang sarili sa 'di mo responsibilidad,
Masasanay 'yan, 'di na uunlad.Hayaan silang magpursige,
Turuan sila ng tama hindi ng mali.
'Wag hayaang sila ay dumepende;
Dahil ang pag-unlad ay nagsisimula sa sarili.@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD