002
Masaya ako kahit wala ka pa sa buhay ko;
Ngunit mas sumaya ako n'ong mapalapit ako sa'yo.
Napakabait, walang halong panggag*go;
Kaya siguro ako'y nagkagusto.Walang pag-aalinlangan kitang tinanggap;
Gusto rin kitang maisayaw sa naggagandahang ulap.
Nang maging tayo, tila natupad na isa sa aking mga pangarap;
Ang isang katulad mo, ang hirap mahagilap.Akala ko kasiyaha'y magtatagal;
Ngunit napapansin kong nag-iiba ka na mahal:
Nanlalamig, nagbabago,
Nananakit, nanloloko.Nasaan na ang taong nagsabing mahal ako?
Nasaan na ang mabait na nakilala ko?
Anong nangyari, ba't mo 'ko inaabuso?
May nagawa ba akong mali kaya ka nagkakaganito?Magaling ka palang magkunwari;
Ang tapusin at iwan ako, sa'yo ay napakadali.
Saan ba ako nagkamali?
Minahal kita, kaya nga ako nagpatali.Naiinis ako pero mahal kita,
Gusto kitang sumbatan pero makikinig ka ba?
Nakakita ka ba ng mas maganda;
O umay ka lang sa'kin talaga?Sige na, alis na;
Sana 'wag ka ng magpapakita.
Oo na, tama na;
Dahil masakit na, sobra.Sa una lang talaga ang saya;
Sa huli iiwanan ka lang n'ya.
Sa susunod, 'wag magpalinlang sa inaakalang mabait;
Dahil hindi lahat ng mabait, 'di na kayang manakit.@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoésieNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD