005
Sa tingin mo, ba't ka sinisisi;
Sa hiwalayang 'di lang naman sa'yo nakabase?
Manloloko ka nga ba talaga sa babae;
O 'di mo lang sinasadya, pare?Di lahat ng ginoo- mapanakit,
Minsan sila nga 'yong may pinagdadaanang mapait.
'Di na dapat ipamukha sa kanila ang sakit,
'Wag ng ibuntong sa kanila ang galit.Hindi sila pare-pareho,
Meron pa namang mga seryoso:
Nasasabihang malamig makitungo,
Nasasabihang maraming babaeng tinatago.Minsan lang sila magmahal;
Sa puntong ituturing kang banal.
Hihiling ng pagmamahalang tatagal:
Pagmamahalang mauuwi sa kasal.Maraming temptasyon, ginoo;
'Wag magpapadala rito.
Alalahaning iisa lang ang puso,
Alalahaning ika'y may prinsipyo.'Wag papasok sa relasyon;
Kung puso mo'y di sang-ayon.
'Wag papasok sa isang relasyon;
Kung di naman s'ya ang inspirasyon.'Wag ibigay lahat,
'Yong tama lang at sapat;
Dahil minsan ang pagmamahal naiiwanan ka lang ng kalat:
Kalat na babago sa lahat.Ginoo, magmahal ng totoo:
'Wag maglaro ng mga puso,
'Wag magbigay ng motibo;
Dahil maraming nawawasak dahil dito.Alam kong may problema ka;
'Di ka nag-iisa.
Umiiyak ka sa gabi 'di ba?
Saksi ang dilim sa iyong bawat pagluha.Ginoo, nararapat kang mahalin;
Ginoo, nararapat kang tanggapin,
Ginoo, nararapat kang pangitiin;
Ginoo, nararapat ka sa taong pwede mong matawag na 'akin'.@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD