039
Sa mapanghusgang mundo
Sino ba ako?
Sa mata ng maraming tao
Ako ba'y panggulo?Nabubuhay ako ng walang kaalam-alam
Kaalaman nama'y ipahiram
Para malaman ko kung sino ako
At ano ang totoo sa likod ng mga tanong na itoHindi ako mahilig sa kolorete
Pero alam ko sa sarili kong ako'y babae
Minsan ako'y nagsisisi
Sana ipinanganak na lang na lalakiKahit anong gawin kasi nila
May kakambal na halaga
Pwera sa katulad ko
Na natatanggap lang ay "Paki ko?"Ako nama'y masayahin
Pero ba't may kulang pa rin?
Sagutin nyo ako!
Sino yung totoong ako?Ginawa ko na lahat
Nagpinta, kumanta at nagsulat
Pero parang di pa rin sapat
Mas nadagdagan ang pilatBakit hindi ako makontento?
Sa sarili ko mismo
Humiling ako ng sagot
Ngunit mas lalo akong lumungkotNgunit sa mga nagdaang taon
May namuong relasyon
May nakilala ako
Na minahal at pinalaya akoPinalaya sa kasinungalingan
Pinalaya sa mga katanungan
Katanungang 'sino ako?'
Katungang 'totoo ba ito?'Tinanong ko siya sa totoong ako
Sagot nya'y ' Anak kita, Ako'y ama mo'
Sya ang Diyos na banal
At ako ang anak Nyang mahalAko ay isang hindi perpektong tao
Nailigtas ng kanyang mga pangako
At nabubuhay ako
Para maging 'Anak na totoo'
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD