051
Hindi ka ba nagsasawa sa tambak na takdang-aralin?
Pagkatapos maghahabol ka pa sa taong ni ayaw ka man lang bigyan ng pansin?
Alam mong matagal ka ng bumagsak,
Hindi sa paaralan; sa taong magaling tumalak.Nagmamahal ka ng kasing tayog ng gusali,
Kasing tigas ng bato; maitim pa ang budhi.
Humihinga ka pa ngunit sa buhay niya'y matagal ka ng naagnas.
Kung sa kulay pa, matagal ka ng kupas.Puso mo'y pakialagaan,
Desisyon mo'y pakibantayan.
May mga taong nabuhay sa kasinungalingan,
Talo ka kaagad sa larong inyong pinasukan.Isa kang ginto?
Mali, wala kang katumbas na halaga.
Nasa iyo kung magpapauto,
Sa mabulaklak at matamis na salita.Kung halimuyak ay unti-unti ng nawawala,
Kung kasiyaha'y napapalitan na ng pangamba,
Kung kasinungalingan at kasalanan na ang dala,
Puso't isipa'y ipahinga mo na.
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD