8 Sablay

27 5 0
                                    

008

Nakatulala at nakadekwatro,
Nakatitig sa dalampasigang pinapagaan ang loob ko.
Nais ko lang makatakas sa iniisip kong 'to,
Nais ko lang ng katahimikan mismo.


Inaabot ng dilim;
Ni hindi takot maiwan mag-isa.
Kung mag-isip ay sobrang lalim;
Na 'di napansing nagsiuwian na pala.


Madilim na daan ang binabaybay,
Musika't bituin ang laging kasabay.
Nakakasawang mabansagang sablay,
Ang pag-uwi sa aki'y nagpapatamlay.


Sermon ang hapunan;
Pakiusap gusto ko ng katahimikan,
Kaya piniling lumabas;
Piniling tumakas.


'Di ako nanghaharot sa paaralan;
Nagsisikap ako para maparangalan.
'Di n'yo magawang ako'y pagkatiwalaan;
Ako'y pinapangaralan.


Pangaral na 'di tugma;
Paratang na ata.
Kahit sabihin ko ang dahilan;
'Di n'yo naman ako pakikinggan.


Paunti-unti akong nawawalay,
Ang tinagurian n'yong sablay;
Baka ayaw na sa bahay;
O baka sa susunod, mapagod na sa buhay.

@ᴄʟᴏᴜᴅ

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon