20 Kasiyahan

10 3 0
                                    

020

Ninais na makuha
Pero patuloy na nawawala
Ninais na lumaya
Mula sa walang tigil na luha

Hindi nagtatagal
Gabi-gabi, boses ay garalgal
Oh kasiyahan
Paki yakap naman

Nakakapagod ng maging marupok sa gabi
Nakakapagod palang humikbi
Sa iyong paglisan
Pinalitan ng kalungkutan

Dilim ang nakakaintindi
Mga tao'y naririndi
Sa isinisigaw ng aking utak
Sa tahimik na lugar ako'y itulak

Kung nais mong bumalik,
Pakibilisan
Bago kita iwanan ng halik,
Halik ng paglisan

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon