018
Sa hindi inaasahan,
May dumating na nagbigay kasiyahan
'Di matanto kung isa ba ito sa panandalian,
Baka sa susunod na araw, iwan na namanPaulit-ulit, pero 'di pa rin natututo
Pabalik-balik na sakit, lagi na lang sinesekreto
Walang kapagurang laro o kung ano bang tawag dito
Walang mapagtripan kaya siguro pinili akoHindi mawari kung anong dahilan,
Rason kung ba't nga ba s'ya napadaan
Ni hindi ko s'ya tinawag
Ni wala akong inialay na bitagPara lumapit s'ya ng sariling kusa
Para kumatok s'ya sa pintuang matagal ng nasira
Nasira ng mga taong nakitambay
Nang magsawa, naghanap ng ibang buhayBuhay na pwedeng guluhin
Buhay na pwedeng sirain
Buhay na pwedeng angkinin
Kagaya ng ginawa nila sa'kinPara silang multo, lilitaw at mawawala
Uhaw na uhaw sa atens'yon ng madla
Gagawin ang lahat para may makuha
Na kahit pananakit ng damdamin kanila ng ginagawaMga magnanakaw ng oras at ngiti
Magnanakaw ng luha at tili
Magnanakaw ng tawa at pighati
Kaya tama na, itatago ko na ang susiPara wala ng makakapasok na magnanakaw
Nang sa gan'on katahimikan ang mangingibabaw
Hindi na muling tutulo ang luhang mababaw
Nakakandado na, wala ng kahit anong sakit na matatanaw
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD