027
Musika ang takbuhan
Ngiti at tawa ang naging taguan
Sa likod ay kalungkutan
Hiling ay makapasok na sa tamang pintuanPintuan patungo sa isang pusong banal
Na kaya akong tanggapin at tawaging mahal
Pintuan na magpapapasok ng walang bayad
Hindi ang pintuan na ang nakikita saki'y puro sayadAng daming pintuan na nakakandado
Sa akin lahat sila'y sarado
Ano ang magagawa ko?
Wala sa akin ang susi nitoSana hindi mo na ako pinagbuksan pa
'Yan tuloy ginawan ko ng motibo at umasa
Umasang iyon na ang tamang pintuan
'Yun pala ito'y pintuan patungong katangahanKung ayaw nyo, wa'g n'yo akong pagbuksan
Hayaan n'yo na lang akong masaktan
'Di baleng mabasa sa ulan
Basta't sa huli hindi maging luhaanMasaya ako dahil napapatawa ko kayo
Sanay na ako dahil 'yan ang trabaho ko
Ang magpanggap na okay at masaya ako
Na ang totoo, hindi ko mahanap ang pintuan kung saan nararapat ako
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD