26 Katha

10 4 0
                                    

026

Binigyan kita ng mahigit walang kulang-isang daang tula,
'Di mo pa rin nasusungkit ang 'di nabibilang na mga tala
Inalayan rin kita ng napakaraming kanta;
Pero masaya na ako sa binitawan mong isang mahal kita.

Ang relasyon natin hindi kasing tamis ng asukal,
Paluan at lait pa nga ang almusal
Akalain mo, tayo ay nagtagal,
Wala naman kasing basehan ang pagmamahal.

Aanhin natin ang relasyong puro halikan,
Kung ang isa ay napipilitan?
Aanhin natin ang minu-minutong paglalambingan,
Kung minu-minuto, may away na naman?

Hindi tayo perpekto pero marunong makuntento,
Walang paki' sa estado o kahit sa anong sabihin ng ibang tao,
Tinatawag tayong bobo pero marunong pa ring rumespeto,
Kung sa huli 'di pala tayo,
Sana wala ng katapusan ito.

Hindi napipigilan ang pusong magmahal ng dalawa;
Pero nasa tao kung iiwas o sa kati magpapadala
Ikaw ang nagpapa-alala, kung ano ang pagmamahal,
Kaya ngayon, sa'yo ako'y susugal.

Hindi ikaw ang mundo ko;
Hindi ako ang hangin mo,
Kailangan nga natin ang isa't isa;
Pero buhay natin ay magka-iba.

Simpleng pagmamahalan, pero hanggang sa pagtanda,
May tiwala, na 'di mababali ng kahit anong sumpa,
Hindi nangangako, pero maraming ginagawa,
Hindi nanggagago, hindi lang magaling sa simula.

Magkaiba man tayo ng mundo,
Ipagpapatuloy ko pa rin ang kabanata nating ito,
Namumuhay ako sa mapanlinlang at mapanghusgang mundo;
Habang ikaw ay karakter lamang ng sinusulat at kathang-isip kong libro.

Isa ka ngang katha,
Ngunit dahil sa isang tao ikaw ay nalikha:
Isang taong wala na sa mundo;
Pero hanggang ngayon mahal na mahal ko.

@ᴄʟᴏᴜᴅ

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon