11 Paalam

20 4 0
                                    

011


Alam kong 'di ka na magtatagal,
Sa tingin ko'y sa aking piling ika'y nasasakal.
Alam kong 'di ako kamahal-mahal,
'Yong taong nanaisin mong matanggal.


Paalam na lang;
Salamat na lang,
Pasensya na lang;
Dahil ako na lang.


Ang masaya kapag tayo'y magkasama,
Ang ngumingiti kapag kausap ka,
Masyado akong manhid 'di ba?
Na 'di ko alam na ayaw mo na pala.


Ni sarili ko 'di ko kilala,
Ni sarili ko aking kinakaila.
Sa sarili kong 'di alam sinong nag-aalala,
Sa sarili kong tawa na lang ng tawa.


Nababaliw kung iisipin;
Pero tulungan nawa, dahil ang hirap sarilihin.
Tulungan nawa dahil 'di ko alam ang gagawin,
Tulungan nawa, bago lisanin.


Minsan na akong nagpakamatay;
Subalit ang Diyos palagi akong binubuhay.
Minsan na akong nagbalak mamatay;
Ngunit nauudlot, kaya ngayo'y tumitibay.



@ᴄʟᴏᴜᴅ

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon