012
'Wag sayangin ang mamahaling likido;
Sa mga taong walang paki' sa'yo.
'Wag pabayaan ang gintong pagkatao;
Para lamang sa paulit-ulit na pang-aabuso.'Wag maging kahoy,
'Wag ding maging bato.
Buhay ay ipagpatuloy,
Kakayanin mo ito.Hindi masamang sumugal,
Hindi rin masamang magmahal;
Pero kung nakakasakit o nakakasakal,
'Di rin masama ang hindi na magtagal.'Wag kang padalos-dalos;
Baka luha'y dumaosdos.
'Wag kang padalos-dalos;
Baka mauwi lang sa pagtatapos.Kilalanin muna ang sarili;
Bago maghanap ng kasangga.
Mahalin muna ang sarili;
Mapapalapit sa'yo 'yan ng sariling kusa.'Wag kang mapanakit ;
Dahil minsan ka ng nasaktan.
'Wag maging mapait;
Buhay ay sadyang ganyan.'Wag ipagtulakan,
'Wag ipagpilitan,
'Wag makipagsabayan;
Sa larong tanga-tangahan.Hindi ka tanga;
May pinag-aralan ka.
'Wag sabihing walang kwenta;
Wala kang katumbas na halaga.'Wag iharap ang sarili sa isang pekeng bulag;
Mahuhulog ka lamang sa bitag.
'Wag iparinig ang nararamdaman sa mapanlinlang na bingi;
'Di mabibigyang kasagutan ang 'yong hinihingi.'Wag puro hikbi sa tahimik na gabi,
'Wag sisihin ang sarili sa lahat ng nangyayari.
Lahat ng kalungkutan may kapalit na kasiyahan,
Lahat ng taong dumaan ay may paniguradong rason 'yan.@ᴄʟᴏᴜᴅ
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD