16 Kaharian

16 4 0
                                    

016

Pinabayaang kaharian
Pagdurusa ang naging kapalaran
Inaabusong kaharian
Ngayon ay pinahihirapan

Ang kahariang dati ay pagmamay-ari ko
Doktor na ang namamahala nito
Ang kahariang inaasahan ko,
Ay s'ya ring humadlang sa pangarap kong 'to

Puyat ng puyat
Kaya ngayon, gamot ay nakakalat
Kailan ka ba babalik sa ulirat?
Kailan ba tayo mamumulat?

Gugustuhing mamanhid
Gugustuhing makalimot
Ginustong makatawid
Ngunit napalitan ng takot

Takot na baka tuluyang magunaw
Takot na baka tuluyang malusaw
Ang kahariang inaasahan ng ilang taon
Baka sa lupa na mababaon

Buhay ay nagiging mapait
Gamot ay sobrang pait
Ang mundo ay nanliit
Kamatayan ay napapalapit

Hanggang 'di pa huli
Mag-isip kahit sandali
Alagaan ang sariling kaharian
Bago ka pa may pagsisihan

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon