33 Sabay na Dumating, Sabay ding Umalis

8 3 0
                                    

033

Pinangiti ka sa pagdating n'ya
May nagbago simula ng makilala
Pinasaya, pinakilig
Pinatawa, pinaibig

Nang magsawa, nanlamig
Naghanap ng bagong iniibig
Sabay na dumating, sabay ding umalis
Sayo'y nakalimot, daa'y lumihis

Nagpunta s'ya sa iba
Iniwan kang mag-isa
Hihikbi ka ba ulit?
O itatago ang sakit?

Bakit ba kasi may dumarating?
Bakit sa akin nababaling?
Ang mga katulad nyang stranghero
Ginagawang pampalipas oras ako

Kung pwede ko lang syang itali sa tabi ko
Kung pwede ko lang syang idikit sa puso ko
Kung pwede ko lang pigilan ang pag-alis mo
Hindi--Hindi kita kontrolado

Bakit ba kasi tayo pinagsabay?
Kung hindi rin naman tayo habambuhay?
Bakit ka pa dumating?
Kung maninira ka lang din naman sa akin?

Bakit ka pa aalis?
Hindi naman ako mabangis
Hindi rin ako madungis
Pag-ibig mo lang naman aking nais

Pero kung ayaw mo na talaga
Bibitawan na kita
Kasabay ng pag-alis mo
Ang aking pagbabago

Magbabago ako, tandaan mo
Aalisin ko lahat ng mga katangahan ko
Wag ka ng bumalik, dahil isa ka na lang stranghero
Strangherong dumating pero kinalimutan na ng puso ko

©loud

Loving Solitude‌ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon