048
️️Minsan ba, ginusto mong pumunta sa
kalawakan?
Minsan ba, ninais mong kamay niya'y
mahawakan?
Minsan ba, nagkaroon ka ng mga totoong
kaibigan?
Minsan ba, ang inakala mong mananatili
iniwanan ka lang sa kawalan?May mga taong nahahagilap 'pag
may kailangan
May mga ala-alang 'di na dapat
binabalikan
May nararamdamang kasiyahan na
alam mong panandalian
May nararamdamang kalungkutan
kahit wala kang karapatanMinsan ba, nainggit ka sa masaya at buong
pamilyang pangarap din ng iilan?
May bahay na ang iba ay binabalewala,
hindi inuuwian?
Minsan ba, ninais mong makilala bilang
ikaw hindi puro kamalian?
Ninais lumaya pero laging hinahadlangan?Minsan ba, umiiyak ka ng patago?
Minsan ba, tinuturing ka na lang na
laro?
Minsan ba, pinangarap mong
maging kompleto?
Minsan ba, ninais mo na lang
magbago?Sana matupad ang kahilingan
Sana ang minsan maging walang hanggan
Sana katahimikan at kalayaan ay makamtan
Sana ngiti sa iyong labi, ako naman ang
maging dahilan
BINABASA MO ANG
Loving Solitude
PoetryNasaktan ka na ba? Naiwan o nang-iwan ka ba? Kung Oo, paniguradong relate ka! - Let me tell you something through my poems. - W a r n i n g: MAPANAKIT! MAPANG-AKIT! All Rights Reserved, 2020 Collection of Poems by ATE CLOUD