Chapter Thirty-Seven

28 4 1
                                    

"Okay ka lang?"

"Hindi. How can I be okay? Hindi tayo magkatabi matulog. We are in separate rooms kaya I am definitely not okay." natawa naman si Finn, hindi niya alam na may cute side rin itong lalakeng 'to. "And you seem to be enjoying this. Hindi pa nga ako nakakabawi sa inis dun sa kababata mo, eto na naman. Inis pa sa'ken ang Lolo mo, wala naman akong ginawang masama ah."

"Pfft.. Ganyan lang talaga si Lolo pero mabait 'yan. Nagtatampo lang 'yon kase hindi ako nagpaalam sa kanila na ikinasal na pala ako."

"So ano, suko kana?" biglang sabat ng kararating lang na si Spade. "Mabuti na ang mas maaga rich guy dahil baka wala kanang masakyan mamaya pauwi. Ikaw din."

"Who told you I'm leaving?"

"Hindi ba? Eh mukhang ilang oras nalang mag tatantrums kana eh." panunudyo pa nito.

"Kuya pwede ba? Bakit ba ganyan ka?"

Biglang sumeryoso naman ang mukha ni Spade na bumaling sa kapatid. Akala ni Spencer ay pulos kalokohan lang ang alam nito. This just shows how protective he is sa kapatid and he can't argue with that dahil siya man ay Kuya din. Kaya siguro hindi niya rin magawang magalit rito dahil he understand the feeling.

Kung kay Seirin ito nangyari ay baka mas masahol pa ang gawin niya sa magtatangkang hingin ang kamay ng kapatid.


"Kailangan niyang patunayan  na karapat dapat siya sayo bago namin siya tanggapin. Dahil kung hindi dadalhin kita pabalik ng UAE."


(Ha~ you think I would give you my wife that easily?)


"Nasa tamang edad na'ko Kuya---"

"Ah, kaya nagdesisyon ka nalang bigla na magpakasal ng wala manlang pasabi?"

"Tss."

"Pinatatawag ka ni Lola, at ikaw..." baling nito kay Spencer "tumulong ka mangisda para sa hapunan."

"Haaa? Bakit mangingisda si Spencer? Kayo nalang! Baka kung mapano 'to e." Hndi sumagot si Spade at tumingin lang sa kanya na parang nanghahamon. And he doesn't want it. Walang naghamon sa kanya na hindi umuwi ng luhaan.

"I'll be right back." tinanggal nito ang suot na coat at ibinigay sa kanya. 

"Pero..."

"Fishing is...fun?"

"Pfft. Nagtatanong ka? Seryoso Spencer, hindi mo naman kailangan gawin 'to eh. Wala silang magagawa. Kasal na tayo."

"Still, I want to prove na karapat dapat ako sa'yo so just let me be."

"At sa pangingisda makikta 'yon?"

He chuckled. "Ah dear wife~" hinalikan nito ang noo niya saka umalis.

~~~

"Seryoso ka talaga nyan huh?"

"Yeah so shut up."

"Bati  na tayo, harmless naman ako e, hindi ako makakagusto kay Pinya. Napag utusan lang. hehe." Jayce grinned. Kanina niya pa ito gustong kausapin kaso ayaw. Gusto niya lang naman bumawi, hindi niya naman talaga gusto manggulo at isa pa, nakita na niya ang gusto niyang makita nang pumayag siya sa plano ni Spade.

"Kahit na magkagusto ka pa, hindi ka niya gugustuhin."

"Ayy~ grabe siya. Nakakasakit ka naman ng damdamin." maarteng humawak pa siya sa dibdib pero hindi manlang ito natinag.


Sa halos isang linggong pananatili niya sa bahay ng mga to, napatunayan niyang malabong mangyari na ipagpalit nito ang kaibgan niya kagaya ng iniisip nina Spade. Halos nga ayaw mawala sa paningin nito si Finn eh, ipagpalalit pa kaya? May ekspresyon lang ito sa mukha kung si Finn ang kausap at wala itong pakialam sa iba, as if he's whole world is only revolving around her. Syempre it's too early to say dahil walang permanente sa mundo kundi pagbabago, but he would bet on those two. Alam niyang makikita rin nina Spade at ng Lolo nito ang nakita nila ni Henry.

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon