•Chapter Six•

127 6 0
                                    

×××
White Lotus Hotel
×××

All eyes on her.

Alam ni Finn na magiging mainit siya sa mga mata ng mga bisita, after all siya ang kilalang fianceé ni Steven. Alam niya ring pinagtatawanan siya ng iba but she attended the party anyway.

Ganun naman talaga eh, pag hindi siya umattend, bitter siya. Pag umattend naman, katawa tawa. So either way apektado siya and there would always be an issue. At since lahat ng empleyado na nagtatrabaho sa Zi Hospital (na hindi duty) ay imbitado, wala siyang rason para hindi dumalo.

At bakit naman siya hindi dadalo, hindi siya bitter right? And defnitely she won't let her self be a laughing stock.


"Finn!" Sigaw ni Ara ng makita siya. It all takes her strength not to roll her eyes in frustration. Kasama niya sa team (sa isang cubicle=ka shift) si Ara at matagal na itong inis sa kanya but for professionalism's sake, hindi sila nag aaway ng ladlaran. Alam niya kung bakit tinawag siya nito ng mas malakas ng ilang octave ang boses than usual ay dahil para malaman ng iba na dumating na siya.

The would-be-fianceé. Juicy gossip.

"Mabuti nakarating ka! Halika dito sa table namin." She smiled sweetly. Pero para sa kanya, poisonous ang ngiting 'yon, at hindi sweet.

"No thank you. Hinahanap ko kasi si Jillian. Maybe later. Thanks anyway." Ngumiti rin siya, in a sinister way. Then left.

"Nag leave siya ng two weeks dba? I wonder how's she coping up. Masakit din 'yon ah?" Rinig niyang sabi ng isang babae na sa pagkaka tanda niya ay Joan ang pangalan ng Radiology Dept.

"Haha! Ofcourse. She had no choice. Kailangan niyang umattend to save her face." Tawang tawa na sabi ni Ara.

(Bruha ka talaga!)

"Sayang. Parang bagay ko pa naman sila ni Doc Steven 'no? Maganda tapos gwapo." Another girl said.

"Maganda? Mas maganda si Doc Elaine 'no! At mayaman pa." Si Ara na naman. "Kaya naman wala talagang doubt kung bakit mas pinili ni Doc Steven si Doc Elaine. They're a perfect match. And as for that Finn Lewis, sorry nalang siya. She should've stayed at the bottom kasi. I find her ambisyosa, seduce Doc Steven ba naman, eh nandito lang naman siya." Anito na inilagay pa ang palad sa ilalim ng mesa to show how low her status is compared to Steven and Elaine.

"Sabagay." They all agreed.

(Hays~ kung alam nyo lang ang buong pangyayari.)

Nagmadali nalang siyang umalis doon at hinanap si Jillian, baka kasi kung ano pa ang magawa niya sa mga bruhang 'yon. Pero hindi paman siya nakakalayo, na off na yung lights at umilaw ang nag iisang spotlight sa harap.


"Hello everyone!" Bati ni Elaine. "Thank you for coming here tonight. Na appreciate ko po talaga despite of your busy schedules." She smiled an wave.

Pakiramdam ni Finn ay nabulag sya sa puti ng ngipin nito. But after that, her eyes glued to the man beside her. As always, ang gwapo nito sa suot na gray suit.

(Hmm.. but not quite handsome kagaya ni Spence---yucks! BIG YUCKS! Ano'ng pumasok sa kukote mo Finn at naalala mo siya?  Y U C K S lang! Standards mo tumataas ah!)

She stared at him again. Hindi niya marinig ang pinagsasasabi ng dalawa dahil busy siya. Busy sa pagkapa sa nararamdaman niya. And she was shocked na galit nalang ang narardaman niya para dito. Galit dahil pinagmukha siyang tanga at galit dahil sa sinayang nyang oras sa lalakeng hindi naman karapat dapat.

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon