Chapter Thirty-Nine

32 1 0
                                    


"Ano nga kasi yun? Bakit ayaw mo pang sab---ack!"

"Hey! Mag iingat ka nga..." saway ni Spencer sa kanya dahil muntik na siyang matisod, mabuti nalang at naging maagap ito at nahawakan siya sa braso.

Kasalukuyang papunta na silang mag anak sa sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ng Mama niya. And the road was not nicely paved. Infact, hindi ito sementado at bako-bako pa kaya kailangang mag ingat.

But Finn was so curious kung ano yung request ni Spencer sa Chief of Police. Ang dalawa lang kasi ang nag usap at ang magaling niyang asawa, ayaw pa magsabi kung ano nga iyon.

"Tss. Pabebe talaga eh no? Kailangan laging bini-baby eh." tukso uli ni Spade sa kanya.

"Abnormal ka talaga Kuya!"

"Always the damsel in distress. Pinya, pano kaya kung panaginip lang lahat 'no simula nung umuwi ka ng Zahara? Hindi mo ba naiisip yun? Parang simula kasi nun, pang drama na buhay mo."

"Heh! Drama ka dyan. Alam mo butiki, kailangan mo na talagang humanap ng jowa at nang maiwan mo 'yang abnormal kong kapatid. Baka magaya ka sa kanya na tatandang binata."

"Anong matandang binata ang pinagsasasabi mo dyan? 29 palang ako ano?"

"Bakla ka ata eh. Yung mga ka batch mo halos lahat may asawa na, yung iba may mga anak na tapos ikaw, NBSB." nagtawanan naman ang lahat sa bangayan nilang dalawa.

"Kaninong kasalanan kaya?"

"Hoy, wag mo'ng sabihing akin? Hindi kita inutusang bakuran ako."

"hmp. Saka na pag may nakita na 'kong katulad ni mama." and they all went silent. "At kapag nasiguro 'kong hindi ka lolokohin ng asawa mo!"

"You should start dating because I swear I won't do anything that will hurt your sister."

"Sabi mo lang 'yan. Pag tumagal kayo, magkakasawaan tapos maghahanap ka ng iba...tapos---"

"Kung gawin ko man 'yon, you can have my head for it. Gagawa ako ng kasulatan na if ever I cheated or broke your sister's heart, you may kill me."

"..."

"Ang OA!" na aawkward na sabi ni Finn. "Tama na nga, malapit na tayo kay Mama..."

Nang makarating sila ng sementeryo, isang chopper sa may bakanteng lote ang umagaw sa atensyon nila and Finn's jaw dropped nang mapagsino ang dalawang lalakeng kumakaway sa kanila.

"Prinsesa!" masiglang bati ni Arro.

"Ma'am... Boss." bati ni Klay nang makalapit sila.

"What the heck is this? Uuwi kana rich guy?" ngingiti ngiting wika ni Spade na animo'y nanalo sa pustahan.

"Hell no."

"Aaro~ Klay!" namiss niya bigla yung dalawa, huling pagkikita nila ay bago sila umalis ng London. Akmang lalapitan na sana nya ang dalawa, but Spencer held her waist. "Hmp."

"Dinala niyo ba ang pinadadala ko?"

"Yep boss, freshly picked from the garden!" Arro flicked his finger at isa isang ibinaba nung lalakeng kasama ng mga ito na ewan ni Finn kung sino ang apat na naglalakihang basket na punong puno ng mga bulaklak.

Sunflower...

Ito ang favorite flower ng Mama niya. At nung mamatay ito hindi manlang nila ito nabigyan ng sunflower dahil hindi ito season noon. Ilang taon simula ng mamatay ito hindi parin nila mabigyan dahil sa nangyaring issue sa pamilya nila pero ngayon............

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon