•Chapter Seventeen•

121 6 1
                                    

Friday Morning...

"Klay.." tawag ni Finn. Kasalukuyang silang nasa kotse papunta sa ospital.

"Bakit Ma'am?"

"Naniniwala ka ba sa pamahiin?"

"Po?" Halata ang gulat sa mukha nito ng lingunin siya. Woa so marunong din pala 'tong magulat! Haha!

"Pamahiin. Kanina kasi nabasag 'yung  cup na iniinuman ko tapos may nakasalubong akong itim na pusa paglabas ng bahay..." Funny that she believes in them na nurse siya... Funny talaga.

"Ah. Hindi po Ma'am. Wala pong basehan ang mga 'yon. Nagkakataon lang." She looked at him and smiled.

"Oo nga. Thanks Klay."

Pero bakit parang iba ang nararamdaman niya?

~~~

"Finn.." napalingon siya sa tumawag at nagulat nang makita si Steven. "Can I have a bit of your time?"

"Hindi." Mataray niyang sabi. Lalagpasan na sana niya ito ng bigla siya nitong hawakan sa braso. (Yuck germs! ) "Bitiwan mo'ko, andaming tao Doc Steven." 


(Hmm mukhang totoo ang pamahiin tungkol sa pusa.)

"I just want to talk to you."

"Ano pa ang pag uusapan natin? Tapos na tayo diba?"

"Please..."

"Sige, pero dito tayo mag uusap."

"Pero canteen 'to, andaming tao."

"I don't care. Para walang maisip na malisya ang baliw mong fianceé kaya dito nalang." Nagtiim bagang ito sa sinabi niya.

"Okay." He breathed deeply. "Gusto ko sanang tigilan mo na si Elaine."

"What?!" ulit niya kasi parang nabingi sya sa sinabi nito.

"Nakikiusap ako sa'yo Finn, kung maari wag ka nang magpakita sa kanya dahil nagagalit siya sa'ken." Napa maang nalang si Finn sa pinagsasasabi nito.

(Kundi ba naman abno ang dalawang 'to! Ugh~ Nagagalit sa kanya si Elaine pag nakikita ako? Haha! Okay lang siya? Kinu-kwestiyon na ba niya ang existence ko ngayon?)

"Ano ang gusto mo Doc Steven, mawala ako sa mundo, ganun? Kung ayaw niya 'kong makita edi wag siyang daraan sa daraanan ng mga nurse. Malapit naman sa exit yung office niya di ko lang alam bakit umaakyat pa para sumakay sa elevator na sinasakyan namin pababa. Parang bata. Sabik siya sa elevator? Never niya pang natry before?" She mocks. Natatawa naman siya sa reaksiyn ni Steven. Galit ito na ewan. Hindi nito siguro inaasahan na sasagot siya.

Well, hndi na sya ang dating Finn na sunod sunuran lang rito ano? People change. Spencer changed her. For the better. She realized na andaming mas magandang bagay na dapat pagtuunan ng pansin at hindi ang mga katulad nitong toxic.

"Kung wala kang magandang sasabihin, aalis na'ko."

"Wag mong ubusin ang pasensya ko Finn. Napakabait ni Elaine tapos ganyan ang trato mo sa kanya. Wala siyang kasalanan kung bakit tayo naghiwalay. Ako ang nakipaghiwalay sa'yo because after all these years---"

"HAHAHAHAHA! Excuse lang Doc Steven ha? Ilang beses mo bang gagamitin ang linyang yan? Nananahimik na 'ko okay? Matagal na'kong nakapag move on sa'yo. Hahaha! Ang taas naman yata ng bilib mo sa sarili mo. Wala na akong pakialam sa inyong dalawa so please sana tigilan niyo na 'ko." Nagpasya na siyang umalis pero hinigit siya ni Steven pabalik. Napangiwi siya sa sakit sa pagkakahawak nito sa kanya. "Ano ba nasasaktan ako!" Now all eyes are focused on them.

CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon