"Finn, kanina pa kita hinahanap." Nginitian siya nito ng nakakaloko kaya tumindig ang mga balahibo niya sa katawan.
(Anak ng.... Pag minamalas ka nga naman...)
"Ang tagal mo yatang nag banyo, okay ka lang?" Tanong nito at lumapit sa kanya.
"Okay lang ako Chris. Salamat. Erm~ uuwi na'ko." Paalam niya.
"Agad? Nagsisimula palang ang gabi oh. Halika, inum pa tayo." Aakbayan sana sya nito pero naging maagap siya at umatras.
"Sorry, pinauuwi na'ko ni Spencer eh kasi gabi na. Next time nalang ulit Chri---"
"NO!" Biglang sigaw nito na ikinagulat niya. Ibang iba ang Chris na nakikita niya ngayon sa Chris na nakilala niya. He is always calm at nasa aura nito ang sense of security dahil para niya itong kuya pero ngayon.... Hindi na niya ito makilala.
(Epekto ng alcohol? Bakit parang hindi? Drugs? Pero imposible naman...)
"No..no..no. Hindi ka uuwi. Not without my permission." Parang baliw na sabi nito at tinangka na naman siyang akbayan pero naka iwas siya. Hurt is evident in his handsome face.
"Chris, lasing kana. Umuwi kana din." Paatras siya ng paatras dahil palapit ito ng palapit sa kanya nang tumama ang likod niya sa maginaw na marmol ng banyo. (Dead end.)
"Hehe.." napalunok siya sa ngiti nito. Sinister iyon kaya mas lalo siyang kinabahan. "Wala ka ng tatakbuhan pa."
"Chris, lasing ka na." She tried to reason out. "Umuwi kana, umuwi na tayo okay?" Dahil sa ga dangkal nalang ang distansiya nila, doon niya napatunayang he's under the influence of drugs dahil sa mga mata nito.
"Gusto pa kitang maka usap!"
"Mag uusap tayo bukas, okay ba 'yon? Ha? Umuwi na muna tayo ngayon kas---"
"NO! Walang uuwi!" Hinawakan nito ang magkabilang braso niya ng sobrang higpit. "Walang uuwi!!!"
(Araay. He really is on drugs...)
"Chris, n-nasasaktan ako!"
"Kakausapin mo'ko o hindi?! Huh?!!" Nanggigigil na wika nito.
"Chris.. ano ba? Nasasaktan nga ako sabi!"
"HOY WALANG HIYA KA!" sigaw ni Jillian at agad na dinamba si Chris. "Bitiwan mo si Finn!"
Nagsidatingan na rin 'yung iba nilang kasama at tumulong na pero dahil sa malaking tao si Chris, wala silang nagawa kahit pinag pupupokpok na ng kaibigan ang likod nito.
"Tumawag na kayo ng bouncer! Aaraay!" Sigaw ni Harvy na pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Chris sa mga braso ni Finn. "Bitiwan mo siya Chris ah! Nagagalit na talaga ako!" Matatawa sana si Finn dahil mukha na talaga itong lalake pero sobrang sakit ng braso niya.
"Tumawag kana Evonne!" Nagpapanic na sigaw ni Helen dahil nakatungaga lang si Evonne sa gulat.
"O-Op---aaah!" Sigaw nito dahil tumilapon si Harvy sa harap nila nang suntukin ito ni Chris sa baba.
"H-Harvy! Harvy!!! Chris ano ba?! Sumusobora kana bitiwan mo'ko ang kapal ng mukha mo!!!" Sa inis at sakit na nararamdaman ni Finn hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya.
"Ayaw mo pa 'kong kausapin?huh? Yan ang napapala ng mga pakialamero!" baling nito kay Harvy. "Ngayon, kung hindi ka parin papayag makipag usap sa'ken, isa pa sa kanila ang masasaktan!" at natingin ito kay Jillian.
"KAHIT KAILAN HINDING HINDI KITA KAKAUSAPIN! AYOKO SA'YO!!!"
Kahit maingay sa bar ay naka agaw na sila ng atensyon, dahil dun nag umpukan na ang mga tao para maki usyoso.. Wala manlang nag abalang tulungan sila. Probably because Chris seems to be unstoppable.
![](https://img.wattpad.com/cover/174686128-288-k606014.jpg)
BINABASA MO ANG
CONTRACTUAL MARRIAGE (Savage marriage)
Romance"Once a deep and powerful connection between two people has been made, they become a vital part of each other's lives and there is no separating them." -Beau Taplin || unpreventable Hindi sinipot si Finn ng groom niya sa mismong araw ng kasal nila d...