SCW 14

97 9 7
                                    

"Happy teacher's day Sir!"

Months flew by quickly, and we've just finished our second grading period. We're now just waiting for our grades to be released. Gano'n pa din kami ni Gahala. Palagi pa rin siyang malandi. Nasasanay na nga ako sa kaniya.

We're having a mini celebration today since it's Teacher's Day. Kaagad umugong ang tawanan namin nang makitang nagulat si Sir pagpasok niya. Sinalubong ba naman siya ni Marwan at Ar-Ar ng confetti sa pintuan.

I smiled when they started singing "Salamat" by Yeng Constantino, which is cringe. Sir is smiling widely though, while the boys are jokingly dancing with him. Pinaikot-ikot pa nga nila at sinisway-sway ang katawan.

Sir's holding some flowers and letters that we had given earlier at the gym. Iyong iba galing din sa ibang section and grade level. The SSG officers kasi organized an event for the teachers earlier to celebrate their day. Wala tuloy kaming klase sa first and second subject na gustong-gusto naman ng mga kaklase ko.

"Ano 'to?" natatawang tanong ni Sir nang binigay ni Lamore ang isang paper bag.

That was our gift na pinag-ambagan pa talaga namin. Pahirapan pa sa pagsingil. We also bought him a cake and some food to eat na alam naming mga anak niya lang naman ang kakain.

I turned my head when Gahala stood beside me and playfully bumped my shoulder to get my attention. His hand was behind his back, kaya napataas ako ng kilay. Parang may tinatago siya doon.

"What are you hiding?" I asked him suspiciously, trying to see what he was holding behind his back. Pero lumayo lang siya at nagkamot na naman ng batok which is his habit whenever he's shy.

"What is it?" I insisted.

Reluctantly, he revealed it. "Oh," he muttered. I looked at what he was holding—it was a rose. "Happy Teacher's Day, future educator," he joked.

"Ano ba 'yan Gahala! Agaw moment kay Sir!" Umay na reklamo ni Gray nang makita ang ginawa ng kaibigan. "Lahat na lang ginawa mong rason para lumandi!"

Napatingin tuloy ang mga kaklase namin sa amin saka napairap sa nasaksihan, pagod na sa kalandian ng isa.

He grinned. "Hala, sorry." He didn't look sorry though.

"Okay lang, hayaan niyo siyang dumiskarte," ani ni Sir na natatawa. "Imbitahan niyo na lang ako sa kasal niyo sa susunod," dugtong na biro niya!

"Ano ba 'yan Sir HAHAHAHA!" tawa ng loko, gustong-gusto yung narinig! Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang leeg at tainga. "Ninong ka Sir ha," pabirong dugtong niya. "Aray!" he hissed when I slapped his arm.

"Parang sasagutin talaga Amara eh 'no?!" tawa nila. "Napakaassumero! Kapag ikaw binasted!"

Hindi niya na pinansin ang mga kaklase namin at bumaling ulit sa akin. He wiggle his eyebrows. "Hindi biro lang, para talaga 'to sa Mama mo. Pogi points gano'n."

Natawa ako sa sinabi niya. Pati ang ibang nakarinig ay natawa. Gusto magpapogi points amp. "Ikaw magbigay sa personal," suggest ko.

Ngumuso kaagad siya, nagpapacute which made the other guys puke their disgust out. "Ayel, ayoko, baka himatayin ako sa kaba."

I chuckled. Kinatyawan siya kaagad ng mga lalaki, pati si Sir!

"Weak pala e! Lakas ng loob mong dumiskarte sa anak pero hindi makalapit sa Nanay!" kutya nina Lacaus.

Gahala shot them a glare. "Gago, ikaw kaya lumapit sa Nanay ng taong gusto mo." Komento niya na nagpakilig sa iba. Pinagdikit ko naman ang mga labi ko para pigilang mapangiti.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon