SCW 20

83 9 24
                                    

"Okay na kayo ulit?"

Nilingon ko si Dolly mula sa pagtingin kay Gahala ng masama. Binunggo kasi ako tapos ngumiti ng nakaasar. Parang tanga, nagpapansin na naman siya.

Tumango ako, "Yeah."

"Kaya pala grabe na ang ngisi ng gago," Vien laughed as we headed to our Araling Panlipunan room.

"Did he court you again?" Kala asked with hopeful eyes, blinking her lashes enthusiastically.

I shook my head, "Wala naman siyang sinabi."

Vien smirked, a playful smile plastered on her lips. "Oh? Bakit parang disappointed ka?"

I just glared at her. I'm not that disappointed, just a little bit. He didn't talk about us after.

After confessing that I didn't want him liking other girls, he just said na sa akin lang daw siya magkakagusto. Then he walked me to the parking lot and chatted with me afterward like nothing happened between us.

He also cleaned his timeline tapos hindi ko na makita yung tinag sa kaniya no'ng Eliza!
Nando'n na din ulit ang post niya about sa akin.

Apparently, he just changed the privacy to "only me" kasi daw feeling niya magiging kami talaga kaya sayang daw memories. Feelingero talaga.

I forced myself to stop smiling after remembering it. Well, I'm fine with this kind of setup, but I don't know what we are now. Manliligaw ko ba ulit siya or M.U lang kami?

I wanted to asked him pero nahihiya ako. Hindi pa rin ako nakamove on doon sa pag-amin na ayokong nagkakagusto siya sa iba.

"Malapit na Valentine's amputa. May makikita na naman akong magjowang naglalandian," asar na usal ni Vien kaya natawa ako.

Dolly rolled her eyes, "Madami namang gustong manligaw sa 'yo. Bakit hindi mo patulan?"

"Girl, hindi ko type," irap niya.

"What's your type ba?" Kala questioned her, raising a brow.

"Si Gahala sana," Vien laughed and tried to avoid my kick. "Damot mo naman, Ayel!"

I rolled my eyes at her and huffed.

"Just admit the fact, Ayel, that your man is a dream guy," Kala pointed out.

Alam ko naman 'yon! Parang hindi ko nga siya deserve pero tinatanggap ko lang kung anong binibigay sa akin. Malay ko namang bibigyan ako ng sobra-sobra.

"Makabakod, ano nga ulit kayo? Ah, M.U," Dolly teased.

I frowned. "Kapag ikaw nagkaroon ng kam.u. in the future, tatawanan talaga kita."

"Duh! Never mangyayari sa akin 'yon 'no!" She replied confidently.

"Sure na ba 'yan Dolly?" asar ni Vien.

"Oo nga! Hindi naman ako tanga!"

"Nakakaduda," Kala laughed so hard and hissed when Dolly yanked her long hair.

"Ayaw mo kay Lamore, Vien?" I asked, walking beside her. I shrugged. "Kung qualities lang naman pag-uusapan, hindi siya nahuhuli kay Gahala."

"Gago ka ba?" she hissed. "Kaibigan ko 'yon! Saka isa pa, hindi siya malandi! Ako pa ang magfifirst move sa kaniya pagnagkataon! Ekis pare!"

I laugh a little. Kawawa naman si Lamore. Hindi pa nga nakapagconfess, basted na kaagad.

Natapos lang ata ang chismisan namin nang pumasok na kami sa room. My eyes immediately settled on Gahala, who was laughing with his friends.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon