SCW 8

81 11 12
                                    

"Hanep, magjowa ba kayo?"

Hindi ko alam kung paano magre-react matapos marinig ang tawa ni Dolly habang papunta kami sa science class.

"May pa-exchange pa ng bag, ampucha. Baka sa susunod exchange na ng 'I love you' 'yan?!" Vien teased.

"Can you even hear what you're saying?" I asked irritably.

"And you even have the guts to hesitate, huh?! So maarte! Bhe, if I were in your position, pati ako magpapabuhat sa kaniya," dugtong ni Kala with gestures, making Dolly laugh even more.

Ako ang nahihiya sa pinag-uusapan nila dahil nasa likod lang namin si Gahaldon. Napalingon ako saglit at namula nang kaunti nang mahuli ko siyang nakatingin sa amin at bahagyang nakangiti. Halata sa mukha niya na naririnig niya ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko, and he was even enjoying it as if it's in his favor! Ugh. Sobrang nakakahiya!

Bothered pa ako sa sinabi niya kanina. Kinikilig siya? Bakit? Hindi naman siguro ako ang crush niya, hindi ba?

Kaagad akong napailing to disagree with that thought. I groaned lowly when I felt a blush creeping up my neck. Why am I even thinking it? Dapat wala 'to sa vocabulary ko. Wala dapat akong pakialam kahit sino man ang crush niya.

"Hindi mo ba crush si Gahala, Ayel? Gwapo naman ah tapos matalino pa! Kung ako sa posisyon mo, jusko, yes Father, I do!" kulit pa ni Vien.

"Tigilan niyo nga ako." Naiirita na ako sa kanila. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi nila kaya kung ano-ano na din ang pumapasok sa isip ko! Kasalanan nila 'to pero mas kasalanan ni Gahala.

"Kapag itong si Ayel nagka-crush kay Gahala, nako lagot tayo diyan," tawanan nilang tatlo sa sinabi ni Dolly.

"Hoy, ano iyon?!" Biglang sulpot ni Marwan. "Tama ba rinig ko? Si Ayel nagka-crush kay Gahala?! Hala!"

"Huh?"

Napalingon kaagad ang grupo nila sa amin dahil sa sinigaw ni Marwan! Pakiramdam ko namula ang buong pagkatao ko lalo na at biglang napatingin sa akin si Gahaldon! Parang napantig ang tenga niya. Even some of the passersby looked in our direction too. They even whistled playfully at the thought that someone had confessed.

"No. That's not it," tanggi ko kaagad at umiling pero kay Gahaldon ako nakatingin na parang sa kaniya ako nag-eexplain.

Ano ba kasing tainga meron si Marwan?! Hindi ba siya naglilinis?! Papahamak pa ako! Yung phrase na 'yon lang talaga siguro narinig niya! Hindi na niya pinakinggan ang iba!

"Wehh?" sabay-sabay nilang sabi kaya natawa si Gahala.

Siniko niya sila habang ngiting-ngiti na para bang nanalo sa lotto. "Huwag niyo na ngang asarin, nahihiya na oh."

"Ulol mo, bro. Alam naming gusto mo ding inaasar," laglag sa kaniya ni Lacaus. Iyon din ang sinabi niya kanina sa akin! Pakunwari pa siya!

"Hindi nga iyon ang sinabi ni Dolly! Mali ang narinig ni Marwan. Hindi ko crush si Gahala," tuloy-tuloy kong explain pero hindi naman sila nakikinig at panay pa din ang panunukso.

"Bwisit kayo," mura ko sa kanila at inirapan ang mga kaibigan ko dahil tawang-tawa sila! Hindi man lang ako tinulungang mag-explain!

Inasar lang nila ako hanggang sa makarating kami ng science. Tatawa-tawa lang si Gahala at mukhang nasisiyahan pa sa nangyayari!

"Oh," bigay niya sa bag ko nang makarating na kami sa room.

"Salamat," naiilang na pagsasalamat ko at binalik din ang sa kaniya.

Tahimik lang kaming dalawang nakikinig sa science. Mag-aactivity sana kami kaso kulang kami sa oras. Pinagawa na lang sa amin ni Ma'am tapos kailangan naming ipasa next week.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon