"Kayo na?!"
Hindi ko mapigilang mamula ang buong mukha nang isigaw iyon ng mga kaibigan ko.
Napatingin kasi sa amin lahat ng kaklase ko and even Sir! Medyo napaawang pa ang labi ng iba at namilog ang mata sa gulat! Dapat talaga hindi ko na sinabi sa kanila!
Gusto ko kasing sila ang unang makaalam. Sinabihan ko na sila kaninang manahimik at nangako naman sila habang tumatango-tango pa! Pero tingnan mo! Ganito ang nangyari kalaunan!
"Oh my god! Gaga ka! Isa kang malandi!" hinampas-hampas na ako ni Kala!
"Ano nga ulit 'yon? Mag-aral muna tayong mabuti? Tapos siya pa yung naunang magkajowa!" tawa ni Vien.
"Saan aabot ang study first mo?" Dolly teased.
Ngiti-ngiti lang si Gahala na kasama ang mga kaibigan niya sa katapat namin. Nasa cottage na kami para kumain ng lunch.
"Hindi ka man lang nagsabing kayo na! Kailan pa?!" dumog sa kaniya ng mga kaibigan niya.
Gahala chuckled and shyly scrathed his nape, "Kanina lang niya ako sinagot...doon sa dalampasigan," ngumuso siya, pinipigilan ang sariling huwag mapangiti ng malapad. Ang saya-saya niyang tingnan.
"So tuloy yung pagninong ko?" Sir asked, obviously teasing!
"Oo Sir, gusto mo pati binyag," Gahala joked and grinned.
"Tangina, yabang!" The class laughed after hearing his bragging. "Kakasagot pa nga lang sa 'yo!"
Sinipa ko tuloy siya sa ilalim ng mesa. He hissed pero natawa pa rin siya na para bang hindi man lang natablan. Anong binyag ang pinagsasabi niya?!
"Bakit ang layo niyo sa isa't isa? Kayo ba talaga?" Tanong ni Gray. "Pare! Hina mo naman! Tabihan mo!" Katyaw niya kay Gahala.
Napasang-ayon ang iba at napangisi kaya bigla akong nahiya. Ilang na ilang ako habang kilig na kilig sila. Tinulak pa nila si Gahala hanggang sa mapatayo at mapalapit sa akin.
"Uy, gago kayo pre," angal ni Gahala. " Nakakahiya," rinig kong dugtong na bulong niya.
I tugged Vien's shirt to tell her not to go pero talagang sapilitang kinuha kamay ko para bumitaw habang natatawa! Umusog mga kaibigan ko pagilid para magkaspace si Gahala!
I bit my lower lip and blushed as he sat beside me. Pati siya ay nahihiyang tumabi. Shit. Mukha kaming tanga. Sobrang awkward at naiilang ako!
"Ano?! Magkakahiyaan na lang kayong dalawa?!" tanong nila nang hindi namin kinibo ang isa't isa saka humalakhak. "Tangina. Mukha kayong mga tanga."
"Hiya na ako e," nguso ni Gahala. He laughed a little and scratched his neck, which was red from embarrassment. He took a glimpse at me and chuckled softly na parang kinilig. Napatakip siya ng mukha gamit ang kaniyang kamay. "Shit. Gagi. Cute mo. Hindi ko kaya."
I heard some 'Ohh's' from our classmates at mukha silang nanalo sa laban sa kanilang mga reaksiyon.
"Manok ko 'yan!" Proud pang dugton ni Marwan.
Pulang-pula na ako sa sobrang hiya. Gusto kong umalis sa pwesto ko pero hinahawakan ako ni Vien sa balikat, making sure that I'm staying still.
Gahala cleared his throat and sit up straight. He met my eyes and puckered his lips kasi napapangiti na naman siya ulit! "Ano...hi," nahihiyang bati niya sa akin na nagpahalakhak ulit sa lahat.
"Ano ba 'yan! Totoy na totoy!" katyaw nila habang natatawa pa rin.
"Walang akbay?!" Marwan added fuel to the fire!
BINABASA MO ANG
Sailing Close to the Wind
RomanceSeason Series #2: SUMMER Ayel spent her entire youth living up to her parents' expectations. Things only started to change when Gahala appeared and entered the picture. He dove into her submerged life and showed her the world above the horizon. He b...