SCW 36

98 8 7
                                    

"Sino ba 'yan?"

I looked at Vien nervously. "Wala," sagot ko before turning my phone off.

My brows furrowed as we continued eating dinner.

Gahala and I never talked after that day, so I was confused why he called me this time. Pangatlong beses na 'to.

I even saved his number at nilagyan ng pangalan para hindi ko masagot. Aksidente ko kasing nasagot yung unang tawag kasi walang pangalan.

Pumunta ako sa kwarto ko after dinner kasi wala na naman akong gagawin. I sighed irritatedly when he called again.

"Ano bang kailangan mo ha?" inis ko na kaagad na bungad nang sagutin ko iyon. "Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa 'yong huwag mo akong kausapin? Bobo ka ba?!"

"Ma'am, good eve po."

Napakunot ang noo ko kasi iba ang boses ng sumagot. Napatingin tuloy ako sa caller. Namali ba ako ng hinala? Mukha ba akong assumera para magkaroon ng delusions na tawagan niya ako?

Napa-ubo ako ng peke kasi medyo napahiya ako don. "Sorry po. I thought same caller po ang tumatawag. Sino po ito?"

"Okay lang po, Ma'am. Bartender po ako kasi, Ma'am. Pasarado na po kasi kami at lasing ang may-ari ng cellphone na 'to. Panay po ang tawag sa inyo. Pwede niyo pong sunduin?"

Natahimik ako sa narinig. So I am right? Kay Gahala nga 'tong number and panay ang call niya sa akin kasi lasing siya.

Pero pakit ako ang susundo? Bakit hindi ang girlfriend niya? Mga kaibigan niya? Ano ba kasing pinaggagawa niya?

"Okay lang po ba, Ma'am? Pasensiya na din po, ayoko po kasing kalikutin ang cellphone po ni Sir." Paghingi nito ng paumanhin.

Napakagat ako ng labi saka hiningi ang address kay Kuya. Nagbihis ako ng damit at kinuha ang susi ng sasakyan.

Napatingin ako sa pangalan ng bar nang hininto ko ang sasakyan ko para icheck kung tama ang napuntahan ko. Nang tama naman ay bumaba ako sa sasakyan at pumasok sa loob.

Nilibot ko ang paningin at kaagad ko siyang nakitang nasa counter, nakasubsob at tumba na. Siya na lang naiwan saka mga staff. Napahilot ako ng sintido.

"Salamat po, Kuya," alanganin kong sabi sa bartender.

Tumango lang siya saka ngumiti at binigay sa akin ang cellphone ni Gahala. It felt like a sin to touch it at pakialaman iyon pero wala akong magagawa.

Bungad na kaagad sa screen yung contacts kaya hinanap ko ang number ng mga kaibigan niya. Napatigil lang ako nang mag-ring ang cellphone niya at may tumawag. It's his girlfriend. I didn't answer because I'll be damned if she knows na ako ang nandito ngayon.

Nang matapos ang tawag, tinawagan ko ang mga kaibigan niya to help me with Gahala kasi hindi ko siya kayang buhatin

Hindi sumagot si Theros kaya si Yule naman ang tinawagan ko and thankfully, sumagot naman siya.

"Bakit pre?" tanong niya sa kabilang linya.

"Uhm, I don't know how to explain this..." panimula ko. "But this is Amara. Can you go here?" Binigay ko sa kaniya ang address. "Gahala's drunk."

"Ow," mukhang nagulat siya sa akin. "Sige, teka. Wait lang."

"Thank you," pasasalamat ko bago i-end ang tawag.

I pressed the home button and his wallpaper welcomed me.

I don't know how to react nang makitang hindi na si Yacey ang nando'n. It's just black and nothing else. Napailing ako saka nilagay sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon