SCW 45 (Gahala's P.O.V.)

65 6 1
                                    

"Bro, bro."

"What?" I irritably asked Aiden because he was disturbing me again in the middle of playing. Hobby ata ng gago.

"Punta tayong canteen, gutom ako," aya niya.

"Mamaya na, naglalaro pa ako."

"Bilis na, libre ko," aya niya ulit saka inalog ako sa balikat, pero hindi ako nagpatinag.

He tried his best to cover the screen of my phone kahit pilit ko nang nilalayo iyon sa kaniya. I even turned my back on him, pero ayaw niyang magpatalo.

"Si Daven ayain mo," kunot-noong sabi ko sa kaniya habang hindi pa rin siya nililingon.

"Ayaw na niya daw sa akin kasi ang ingay ko," I glimpsed at him and saw him puckering his lips. "Bilis na, baka maubos yung lumpia," dugtong niya nang hindi ko siya pinansin ulit.

I couldn't concentrate sa maingay niyang bunganga. Bumusangot ako nang mamatay nga ako sa laro. Iritado akong tumingin sa kaniya saka binato siya ng notebook nang tumakbo siya papalayo habang tumatawa.

"Huwag kang manghihingi sa akin ng papel ha, tangina ka," banta ko sa kaniya saka umupo ulit sa upuan ko. Kabadtrip si Aiden. Defeat tuloy.

Vacant namin ngayon kaya okay lang kahit maglaro kami. Napatingala ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Nalunok ko ata ang dila ko nang makitang si Miera iyon. Napaupo ako nang maayos saka napatikhim.

"Where's Nick?" she asked.

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. "At Mr. Paloncio's room, I think," I replied when she gazed at me like she was asking for an answer.

She smiled because of that, at napabuntong-hininga na lang ako ng matiwasay. I feel like I've been blessed.

"Thank you," sagot niya saka tumalikod. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko.

"Payag ka no'n, pre? Ikaw nilapitan pero iba hanap?" Tripp teased. Si Seign, who's on his side, gazed in our direction and laughed a little.

"Okay na 'yon. At least ako, nakita ko yung essay sa likod ng test paper na may 50 points, tapos ikaw hindi," tira ko, saka ngumisi.

Kaagad nagtawanan ang mga nakarinig, at minura niya lang ako bilang ganti. The classes resumed after our vacant, and I didn't even notice that it was already our dismissal.

"Bro, are you joining the camping?"

Napatingala ako kay Okin nang akbayan niya ako saka sinabayan sa paglakad papuntang parking lot.

"What camping?"

"Barkada Kontra Droga," he shrugged.

"Sali ka, pre! Maghahanap tayo ng chicks galing ibang school!" pag-encourage sa akin ni Aiden. Daven was at his side with headphones on his head.

Napaisip muna ako ng kaunti bago tumango. "Sige. Wala naman akong magawa sa bahay. Kailan ba 'yan?"

Ayaw kong manatili sa bahay. All I could hear are shouts and constant curses from two people who act like they never loved each other.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon