I thought it would only be for a day. But it turned into days, and days turned into weeks. I missed my man pero wala naman akong magagawa dahil sabi niya for school purposes naman daw. Reasonable naman, so I get it.
Nakakatampo lang minsan kasi parang wala na talaga kaming oras. He used to pick me up and drop me off at school regularly, pero ngayon naging madalang na lang. Eto yung gusto ko noon pero ngayon, it made me uneasy seeing how things have changed. These changes hurt.
Nagsasama na lang kami tuwing gabi. Minsan hindi pa kami tabi matulog kasi nag-aaral pa siya. Sinasabi ko na lang na para naman 'yon sa future namin. Hindi talaga maiiwasang magkaroon kami ng madaming responsibilities we take a step closer to adult life.
Sinusubukan ko namang intindihin siya pero minsan sobrang nakakasagad na.
"Si Yacey na naman ba?" I asked irritably when he looked at me apologetically after checking his phone.
We were supposed to go to Kala's birthday party at the bar, pero may nagtext na naman sa kaniya kahit weekend naman.
He pursed his lips at hindi na sumagot kasi alam niyang alam ko na yung sagot.
Isa pa 'yong Yacey na 'yon. Si Gahala na mismo ang nagsabi na hindi naman siya importante pero ilang ulit naming pinag-awayan.
Alam ko namang tumutulong lang si Gahala at may tiwala naman ako sa kaniya pero sinasadya ata ng malanding 'yon na magpabagsak lagi sa kaniyang recit at exam para masolo boyfriend ko!
"Wala ba siyang ibang kaibigan? Naiirita na ako Gahala. Parang siya pa ang girlfriend." Sobrang napipikon na kasi ako. Parang nagsama-sama lahat ng frustrations saka sama ng loob ko.
"I just felt bad for her," he licked his lower lip. "Lagi siyang stress and frustrated about her studies. Kasama din naman namin sina Theros and... her friends. Hindi lang kaming dalawa."
"Ayon naman pala. Edi mga kaibigan niya ang magcomfort sa kaniya. Hindi pa ba 'yon sapat? Why are you so worked up? Can't she function without you ha? Can't she read if wala ka don? Bakit? Hindi ba siya marunong magreview ng siya lang? Ano siya bata? Kailangang may kasama?"
"Amara..hindi sa gano'n," nahihirapang explain niya pa!
"Eh iyon naman pala! Kung hindi gano'n, edi ano? Damnit Gahala! She's not your responsibility! Almost a month ng ganito! Paulit-ulit na lang. Naiintindihan ko pero huwag mo namang sagadin! Hindi sa lahat ng oras makakapagtitiis ako!" Hindi ko mapigilang sumabog. "Mas may oras ka pa sa kaniya kaysa sa akin! Sino pa ba sa amin ang girlfriend mo ha?!" puno ng panunumbat na sambit ko.
His expression softened, "Love, of course ikaw." He walked closer and tried to kiss me on the cheeks but I avoided him.
Ayan na naman siya. Tangina. Alam niyang rurupok ako kaya ginagawa niya palagi.
"And that's the point!" I chuckled sarcastically. "Ako yung girlfriend mo pero hindi ko ramdam." I gulped because my voice started to tremble. I really hate it when my anger towards him suddenly becomes tears.
"Amara," masuyong tawag niya at marahan akong hinawakan sa braso para higitin palalapit. "I'm so sorry. Trust me. I'd rather wanted to be with you."
"Then, why can't you?" I asked him in a bitter tone. "Because you feel bad about her? Because you're a good guy, right? Gano'n din yung ginawa mo sa akin noon diba? Doon nga tayo nag-umpisa e," sarkastiko kong sambit.
He sighed and looked at me. "Sorry na. Hindi na ako pupunta," suyo niya at hinalikan ako sa gilid ng noo.
"Kanina gustong-gusto mong umalis. Why change now?"
BINABASA MO ANG
Sailing Close to the Wind
RomanceSeason Series #2: SUMMER Ayel spent her entire youth living up to her parents' expectations. Things only started to change when Gahala appeared and entered the picture. He dove into her submerged life and showed her the world above the horizon. He b...