SCW 9

66 11 3
                                    

"Ayel, pahinging lima."

My brows knitted at Ar-ar. Sinalubong niya na ako kaagad kahit hindi pa ako nakakapasok sa classroom.

"Anong gagawin mo sa limang piso?" tanong ko habang nilalabas ang wallet.

Natawa siya, "Ibabayad sa treasurer! Sobrang aga akong siningil!"

Tumango ako at naghanap ng barya. May nakita naman ako kaya kinuha ko iyon.

"Hoy Ar-ar, asan na bayad mo?"

Napatingin kami kay Gahaldon na biglang sumulpot. Nakita niyang inaabutan ko ng limang piso si Ar-ar kaya napataas ang kilay niya.

Inawasan niya ako ng tingin at binatukan ang isa na tumawa lang. Walang sabi siyang tumalikod at pumasok ulit sa kwarto para maningil sa iba naming kaklase.

"Salamat, Ayel!" Ngisi niya saka sinundan si Gahaldon habang natatawa. "Hoy pare! Bakit umalis ka kaagad?!"

"Kita mo 'to?" Gahaldon is already cursing the shit out of Ar-ar when I enter the classroom. He's even raising his middle finger towards him.

"Oh, eto na bayad ko o!" Nakita kong inabot ni Ar-ar yung perang binigay ko pero hindi tinggap ni Gahaldon.

"Hindi sa 'yo ang perang 'yan, nangupit ka pa talaga sa iba."

Napailing na lang ako saka pumunta sa upuan ko at naupo doon. I glimpsed at Gahaldon. He looked in my direction briefly and quickly looked away when he saw me looking.

Days passed since the issue with 1k comments. After that, Gahaldon distanced himself from me. He stopped bothering me and has been avoiding me for a few days now.

Nakikita ko siyang tumitingin minsan tapos talagang mamumula at iiwas ng tingin. Ewan ko sa kaniya. Kinatyawan nga siya ng mga lalaki at paminsan-minsan ay tinutulak sa akin.

"Wala! Mahina ang loob!"

"Tangina niyo pare, bakit nilalaglag niyo ako?" ganiyan palagi ang sambit niya saka mabilis na aalis.

Kinakausap niya naman ako pero related lang sa studies. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa bigla niyang paglayo. Hindi ko din alam kung ano ba ang ibig sabihin ng post na iyon. I have an idea but I don't want to entertain it!

Baka kasi iba ang ibig sabihin no'n at nag-aassume lang talaga ako! Wala naman kasing sinabi ang post na iyon. Dinelete din naman niya kaagad pagkatapos ng ilang minuto. Bakit kasi hindi niya ako diretsuhin?

I hate myself for even thinking things like this. So Gahala kasi. I groaned.

I sighed and looked at Kala as she approached me. Vien and Dolly were probably late again.

Kala sat in the chair beside me,  pagkatapos ay sinulyapan niya ako. "Did you already bayad na ba kay Gahala?"

Iniling ko ang ulo, "Para saan iyon?"

"Lamore told us na para daw sa floorwax," Kala uttered. "May extra five pesos ka?" nguso niya. "Wala pa me barya e."

"Sige, ako na magbabayad sa 'yo."

"Thanks, Mom!" kinikilig na sabi ng bading kaya nakangiti akong umirap.

"Amara,"

We paused as someone called my name. I turned to Gahala, raising my eyebrows at him.

I noticed some of our classmates looking at us, and some shouted 'ayiieee'. The guys at the back were laughing lightly, nagpaparinig. I flinched when Kala pinched my side, malisyosang nagpapahiwatig habang pinipigilan ang ngiti.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon