SCW 35

90 6 4
                                    

"Sana all pinuntahan hindi ba,"

Natatawa akong tumingin kay Vien dahil sa bitter niyang sinabi. Inis na inis siyang tumingin kay Dolly at Okin na malanding naglalambingan doon sa buhanginan. It's our Christmas break now at nasa El Nido kami to have some fun.

"Pinuntahan ka din naman ah," Kala teased.

"Ulol," Vien raised her middle finger.

Napailing na lang ako sa kanila. Inistorbo pa nga nila at hinigit si Dolly palayo kay Okin na natatawa lang, hinayaan kami.

Nagpicture kami kasama ang kahel na kalangitan kasi palubog na ang araw. Ipopost daw nila sa mga Instagram nila.

I tried capturing the orange sky, the disappearing sun, and the raging waves using my camera as well. Nakailang shots ako at iyon ang pinost ko instead of my face.

I smiled while typing my caption.

Keleya Amara Tiexiera:
It's beautiful... how the sky turned orange as the sun bid goodbye...or how the shore always welcomes the waves as it returns, whispering hellos.

Naupo ako katabi ni Kala at tiningnan ang notifications ko. Wala namang importante talaga kaya nirefresh ko ang news feed ko para makita ang pinost ng mga kaibigan ko.

Iyon ang inaasahan kong makita pero iba ang nakakuha ng pansin ko. It was posted a minute ago. It's a picture of a beach too but more lonely kasi kuha sa gabi. That beach was familiar to me kasi nakailang punta na ako doon.

Gahaldon Jammes Silva:
The sky was black as if it was mourning after the sun left. The shore was empty...the wave didn't visit for the tide was low.

Napatitig ako sa caption niya saka napatingala para isipin kung may other meaning ba 'yon. Hindi ko din masyadong pinansin saka nagscroll down na lang. Hindi niya na nga ako kinausap mula no'n but he greeted me a Merry Christmas yesterday which I just ignored.

That was our last day in El Nido at sobrang nagenjoy naman kami. It's unfortunate na kailangan pa naming umuwi kasi kasal pa kasi kaming pupuntahan.

"Hindi ba talaga makakapunta si Kala?"

I shook my head at Vien while fixing my dress. "No. She wanted to attend Louisa's wedding too, but she just has another important thing to do that she can't bail on."

Bumusangot siya, "Wala na nga si Dolly tapos pati pa si Kala." Dolly's with Okin kasi.

"Are done?" baling ko sa kaniya nang tapos na ako sa aking make up. "Let's go. Baka malate pa tayo kaysa sa bride."

She nodded and stood up. Kinuha ko lang ang purse ko at umalis na kami. Madami ng tao nang makarating kami sa simbahan. Nakapwesto na nga ang groom sa bandang unahan but thankfully, hindi pa naman nagsisimula ang ceremony.

"Saan tayo uupo?" Vien whispered habang naghahanap kami nang mauupuan.

"Vien! Ayel! " Marwan shouted to get our attention and we winced kasi ang ingay niya.

Napalingon din sa amin ang mga kaklase namin noon pero tumuon ang atensiyon ko kay Gahala. He just gazed at me for a few seconds before looking away na parang wala lang.

"Ikaw tumabi bhe," bulong ni Vien and pushed me closer to Gahala. Iyon na lang kasi ang space na naiwan na sa tatlong bench na inooccupy ng mga kaklase namin. Halos puno na din ang simbahan kasi pastart na. Ang daming bisita.

Nailang ako. "Bakit ako?" Mas gugustuhin ko pang sa labas na lang ako! Ang awkward!

"Ikaw ang ex! Huwag kang maarte!" pinandilatan niya ako ng mata. " Baka masuntok ko 'yan mamaya! Gusto mo bang maging lamay 'tong kasal?!"

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon