TRIGGER WARNING:
This chapter includes themes of family conflict, emotional distress, and verbal abuse.
READ AT YOUR OWN DISCRETION.
****"Ang laki ng binagsak niya. Baka nagpabaya."
"O baka nadistract dahil sa paglalandi. "
I couldn't help but gulp as I heard their whispers. Even though some of them weren't saying anything, I knew what they were thinking based on how they stared at me.
I felt embarrassed, hurt, and disappointed. I gritted my teeth in frustration. I wanted to tell them it wasn't like that, that I didn't want it to happen either, but I couldn't bring myself to do it. Kasi baka totoo ang sinasabi nila. Na nagpabaya talaga ako. Na masyado akong nadala ng emosyon at nakaligtaan ko ang dapat na prayoridad ko.
I pursed my lips tightly, forcing myself not to explode and break down. Ramdam na ramdam ko ang pamamasa ng aking mata dahil sa halo-halong emosyon. Bumigat nang bumigat ang dibdib ko sa sama ng loob at dahil sa hindi ko masabi kung ano ang mararamdaman ko.
"Congrats, Amara." Napalingon ako kay Louisa nang batiin niya ako habang nakangiti. Instead of feeling grateful, I felt insulted and offended. I know she's mocking me dahil tumaas ang ranking niya tapos ako bumaba.
"Uupakan ko 'yon!" ani Vien matapos umalis ang magkakaibigan.
"Are you okay, Ayel?" Kala asked while observing me, mukhang nakita niya ang reaksiyon ko.
"Mataas pa din naman, Amara! Bawi na lang sa susunod!" Dolly tried to lift my spirits.
No, they couldn't understand. Kasi kung pwede palang bawiin sa susunod, bakit hindi ngayon? Not at this moment?
Nahihilo ako sa nangyayari to the point na nasusuka ako. The pent-up negative feelings, pressure, and frustrations are building up inside of me. Gusto kong ilabas pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung paano. It's causing me stress, na siyang nagpapasakit sa ulo ko.
"Uy, may result na pala?" dating bigla nina Gray kaya napatingin ako sa kanila. "Luh, Gahala! First ka, pre! Congrats! Pablow out ka naman dyan!"
I looked at Gahala who was following Gray. Napatingin siya sa blackboard bago umikot sa loob ng classroom ang mga tingin niya na parang may hinahanap.
His eyes met mine. Hindi ko alam ang gagawin when he quickly walked closer to me. Napaiwas ako ng tingin nang huminto na siya sa harapan ko.
"Are you okay? You look pale," tanong niya kaagad at pilit hinuli ang malikot kong mata.
Marahan kong nilayo ang kamay niya na hinawakan ako. "I'm fine," halos pabulong na sabi ko. "Anyway, congrats," bati ko sa kaniya saka binigyan siya ng maliit na ngiti.
I really wanted to be happy for him, but I couldn't feel an inch of happiness within me knowing na nasasaktan ako sa resulta. Hindi ako naiinggit sa kaniya, wala akong galit o ano. Sobrang baba lang ng tingin ko sa sarili ko ngayon.
Sarili ko lang naman ang kakompetensya ko pero lagi pa rin akong talo.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang binabasa ako pero hindi ko na binigyan ng pansin. Hindi ko na kasi alam kung ano ang uunahin kong iisipin. Yung resulta ba, siya, yung nararamdaman ko, o ang magiging reaksiyon nina Mama. Hindi ko mapigilang i-overthink lahat.
Wala ako sa sarili buong araw at hindi rin ako mapakali sa upuan ko. I can see that my friends and Gahala are trying to lighten the mood, pero hindi ko kaya. I can't help but think kung ano ang sasabihin ko mamaya. Should I apologize? Or should I reason out?
Pero kahit ano namang sabihin ko, para sa kanila kasalanan ko pa rin naman. They're not going to listen to my reasons. And besides, I don't have any reason. I can't think of any other reason aside from the fact that hindi talaga ako katalinuhan. I'm born average...mediocre. So it's probably my mistake. I don't have anything to blame but myself.
BINABASA MO ANG
Sailing Close to the Wind
RomanceSeason Series #2: SUMMER Ayel spent her entire youth living up to her parents' expectations. Things only started to change when Gahala appeared and entered the picture. He dove into her submerged life and showed her the world above the horizon. He b...