"Anong sinusulat nila? Galing ba silang mars?"
"Tayo ata ang galing sa ibang planeta beh, hindi tayo taga-earth."
Kahit wala sa mood ay napangiti ako sa mga kaklase ko. Pinagcontest kasi ni Maam si Lamore at Gahaldon sa pagsolve ng isang problem sa math. Same ang question but they used different formula to solve it. Ang bilis pa nilang magsulat na parang nagpapaligsahan kung sino ang mauunang matapos.
Sige naman sa pagcheer ang mga tropa nila at nagpustahan kung sino nga ba ang mauuna pero halos sabay lang naman sila. Namangha naman karamihan dahil kahit magkaiba ng formula ay same pa rin sila ng answer.
Hindi na ako makasabay sa kanila kasi ang bigat ng pakiramdam ko at naluluha ang mata. I was having a hard time forcing myself not to close my eyes in the middle of discussion. Hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi ni Ma'am dahil nakafocus na lang ako sa nararamdamn ko.
Parang zombie ako habang naglalakad palabas ng classroom nang magdismissal na. Gusto kong matulog saka magpahinga but I don't have time to laze around.
"Hey, I heard there's no class daw mamayang afternoon pero maghahakot daw tayo ng chairs and clean the room! There's a seminar daw tomorrow. How lucky oh my! We're not going to have math!" masayang balita sa akin ni Kala pagpasok namin sa aming advisory room.
I yawned and wiped my eyes, "About what?"
"Teenage pregnancy," Dolly answered, puckering her lips. "Boring. Tutulugan ko na lang 'yan."
"What if magpareflection si Ma'am Buyco about that, huh? What are you going to do?" Hamon sa kaniya ni Kala, pertaining sa science teacher namin.
"Kaya ko nga kayo kinaibigan para may masandalan ako sa mga oras na hindi ko kayang lumaban."
Even if my head's heavy, hindi ko mapigilang mapairap nang marinig ang kaplastikang iyon galing sa kaniya.
"Hoy! Ano gawa niyo? Tara na! Canteen tayo! Gutom na ako!" maingay na aya ni Vien na nasa pintuan na kaya naputol ang usapan ng dalawa.
Our classes resumed after the recess. Hindi ko malabanan ang antok ko noong lunch kaya natulog ako matapos kumain. Nagising at napatalon naman ako ng kaunti a gulat dahil sa biglaang pagbell.
Napatingin ako sa katabi ko at mukhang nagulat din siya sa biglaang pagupo ko ng maayos. His eyes are a little wide like he was caught doing something illegal. Ang kamay iya ay nakataas at may hawak na towel, aktong ipupunas sana.
He pursed his lips and look away, being shy all of a sudden. "Sorry, pinagpapawisan ka kasi." Ani niya kahit wala pa akong sinasabi saka binaba an kaniyang kamay.
Hindi ko na siya inintindi at hinawakan ang ulo ko. Mas lalong bumigat ngayon ang pakiramdam ko. Feeling ko lalagnatin ako pero sana naman hindi. Madami pa akong gagawin.
Sinundan niya lang ako ng tingin nang tumayo na ako saka inayos ang aking gamit. Yung iba kasi ay nagsimula ng magbitbit ng kanilang upuan papuntang gym kaya sumunod na din ako. Hindi nga lang nagtagal ay napatigil ako. Mas lalong lumala ang pakiramdam ko dahil sobrang init. Parang masusuka ako.
"Okay ka lang ba?" Takang tanong ni Gahala. Kanina pa siya nakasunod sa akin na parang sisiw na binabantayan ang galaw ng kaniyang Ina.
Binaba ko muna ang aking buhat na upuan saka kinuha ang aking paniyo. Tagaktak ang pawis ko kahit kakalabas ko pa lang ng room. Tumango lang ako sa kaniya at bubuhatin na sana ulit ang upuan ko pero pinigilan niya ako.
Nakakunot na ang noo niya. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa aking noo at pinakiramdaman. He sighed, "Mainit ka, Amara."
"Okay lang ako. Kaya ko pa naman," mahinang tabig ko sa kaniyang kamay.
BINABASA MO ANG
Sailing Close to the Wind
RomanceSeason Series #2: SUMMER Ayel spent her entire youth living up to her parents' expectations. Things only started to change when Gahala appeared and entered the picture. He dove into her submerged life and showed her the world above the horizon. He b...