"Ayel! Si Messi ka ba?!"
I glared at Vien when she shouted inside the classroom. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase ko saka natawa.
"Because you're messing with my heart! HAHAHAHAHAHAHAHHA!"
Inirapan ko si Gahaldon nang marinig din ang tawa niya. Aliw na aliw siya dahil tinutukso kami.
"Bakit?! Arte nito! Alam kong kinilig ka din!" ang lakas ng bunganga ni Vien kahit siya naman ang pinakakinilig don. Parang tanga.
Nainis ako lalo nang makitang pati sina Dolly at Kala ay natatawa din sa gilid! Mula pa noong nakaraang araw nila ako inaasar dahil kay Gahaldon. Hindi sila makamove-on doon. Sa susunod hindi na ako makikipaglaro sa kanila!
"Stop spouting nonsense without any proof," I snorted as I reached for my earphones inside my bag.
"Oh, kaya mo 'yan, Vien?! English 'yan!" challenged Dolly.
"Ayoko nga! Hindi na lang ako lalaban! Matatalo agad ako!"
"Stupid," Kala teased, pulling her hair playfully while laughing slightly.
Hindi ko na sila pinansin at nakinig na lang sa music. Vacant namin sa 3rd subject namin sa hapon kaya malayang-malaya sila sa pag-iingay.
Napatingin ako sa gilid ko nang may kumuha ng isang earphone ko. Gahaldon smiled at me at nilagay ito sa kaniyang tainga. Pagkatapos noon, sinubsob na ulit niya ang mukha niya sa kaniyang mesa, hindi ako hinahayaang makaangal.
I groaned when some of my classmates whistled at us with teasing smiles and wiggling their brows. Kaya kami tinutukso eh. Yung mga galaw kasi niya!
Nakabusangot kong kinuha ang isang libro at nagbasa para lang hindi sila pansinin. Pocket book iyon na hiniram ko kay Ruth at nakakalahati na ako.
Naka-focus ako sa pagbabasa nang gumalaw itong katabi ko. Hinawakan niya ang dulo ng libro at hinila ito ng kaunti papunta sa direksyon niya.
"Pabasa din,"
I rolled my eyes and let him. Nagbasa kami nang sabay, at natatawa siya kapag may nakakatawang scene. Hindi naman nakakatawa para sa akin, pero nadadala ako sa tawa niya. Nawawala kasi ang mata niya tapos kita talaga ang gilagid kapag tumatawa. Minsan pa, napapahampas pa siya sa mesa niya kapag sobrang laughtrip na talaga.
Napasulyap ako sa kaniya habang seryoso siyang nagbabasa ng libro. Tapos na ako sa page at hinihintay lang siyang matapos. I looked at his hair. Ang ganda kasi ng pagkakawavy... parang mga alon.
Napatigil siya sa pagbabasa nang maramdaman ang tingin ko at napalingon siya sa direksiyon ko. Napakurap pa ako dahil sobrang lapit ng mukha niya, kaya itinagilid ko ang ulo ko ng kaunti para magkaroon ng space sa gitna namin.
"Bakit?" he asked.
"Wala naman. Your hair looks so wavy."
"Gusto mo hawakan?" suggest niya with twinkling eyes. He looked excited about it.
"Uhh," nag-alangan ako saka napatingin sa paligid. Pakiramdam ko parang cctv ang mga mata ng kaklase ko.
Hindi pa ako nakasagot pero kinuha na ni Gahaldon ang kamay ko. Kinabahan ako dahil sa biglaang paglalapat ng mga balat namin.
He placed it in his hair and then gently guided my hand to stroke. His hand was warm. His hair was soft and silky. Everything about him could make you feel butterflies in your stomach. I glanced at him and his eyes were on me.
"Hoy! Ano 'yan?!"
Kaagad akong namula at binawi ang kamay ko nang sumigaw si Dolly.
"HAHAHAHAHAHAHHAA! Putangina. Huli pero di kulong!"
BINABASA MO ANG
Sailing Close to the Wind
RomanceSeason Series #2: SUMMER Ayel spent her entire youth living up to her parents' expectations. Things only started to change when Gahala appeared and entered the picture. He dove into her submerged life and showed her the world above the horizon. He b...