SCW 48 (Gahala's P.O.V.)

69 6 1
                                    

"Anong mukha 'yan?"

Iyon kaagad ang salubong sa akin ni Mama kasi mukha akong talunan na umuwi. Matamlay lang akong umiling. Wala ako sa mood kahit magsalita man lang.

Kahit nagtataka ay hindi na siya nagtanong sa akin saka hinayaan lang akong pumasok ng kwarto. Nagkulong lang ako habang nag-iisip kung ano ang gagawin.

"May problema ba Nak?" tanong ni Mama habang kumakain kami ng hapunan kasi pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko.

Mukha akong depress na heartbroken pero hindi ko lang mapigilan. Ikaw ba naman bastedin ng crush mo. Nakakasama ng loob.

Ang sarap umiyak pero parang hindi bagay sa akin. Baka umurong luha ko kapag makita ko ang dugyot kong mukhang umiiyak sa salamin.

"Wala Ma, si Amara lang," sagot ko sa kaniya saka sumubo na.

Napatigil siya sa pagkain saka binaba ang kutsara, "Oh? Ano si Amara? May problema ba ulit sa pamilya niya?"

"Wala naman," mukhang tangang sagot ko. Ayokong sabihin na binasted ako.

Alam naman ni Mama na mabuti ang intensiyon ko kay Amara pero alam ko ding papanigan niya si Amara kasi tama naman ang rason. Saka isa pa, sasabihin niyang bata pa kami. Alam ko naman iyon. But if ever I grow up and grow old, I want it to be with her.

"Tara Ma, inom," aya ko sa kaniya. Natawa na lang ako ng hinampas niya ako.

Napailing na lang ako ng may kaunting ngiti nang pagsabihan niya akong may klase pa ako bukas. Sabagay, ayokong pumasok ng may hang over. Nakakawala ng angas.

"Gago, pre. Anong nangyari?" Tawang tanong sa akin ng mga kaibigan ko kinabukasan matapos nilang makita ang mga shared post ko!

Hindi ko kasi mapigilang paringgan! I deleted it after kasi baka makita niya at baka sabihin niya bitter ako! Ano naman ngayon! Nasasaktan lang yung tao!

Mukhang stinalk din nila ako at nakita nilang naglinis ako ng timeline. Hindi ko naman dinelete mga parinig ko kay Amara. Chinange ko lang yung privacy. Saka ko na buburahin kung wala na talaga akong nararadaman. Sayang memories.

"Basted ka?" tawang tanong nila na mas nagpairita sa akin.

"Tangina niyo. Eto kayo o," pikon kong mura sa kanila saka pinakita ang gitnang daliri ko. Hindi naman nila pinansin ang sinabi ko saka inaasar pa.

Hindi na kami nagpansinan ni Amara pagkatapos non na siyang pinagtaka ng lahat kasi araw-araw ko ba namang nilalandi. Halos hindi na nga kami huminga kapag magkatabi kami sa upuan kasi sobrang awkward.

Kaurat pa mga kaibigan ko. Tinutulak-tulak ako kay Amara! Pinipigilan ko pero hindi ko talaga mapigilang kiligin! Hirap na hirap tuloy akong itago ang nararamdaman kasi baka sabihan akong marupok kahit medyo lang naman!

Mukha pa siyang tanga kasi tingin nang tingin kapag tumitingin ako sa kaniya. Hindi ko tuloy maseryoso yung pagmomove on kasi halata namang gusto niya din ako pabalik!

Bahala siya dyan. Siya bumasted sa akin kaya dapat siya ang sumuyo. Nagtatampo kaya ako.

Papansin pa si Amara habang naglilinis kami. Alam niyang hindi niya abot yung bintana tapos siya magpupunas. Siguro ginawa niya 'yon para tulungan ko. Kaya sige na nga. Tinulungan ko na pero dapat masungit tayo sa kaniya kasi nahurt tayo e.

At nakipaglandian pa nga. Ampucha. Magtatapon lang naman ng basura?! Tapos sa harapan ko pa?! Manloloko.

Binigyan pa ng ngiti ang lalaki?! Akala niya ang ganda niya talaga sobra kapag nakangiti.

Alam ko namang yung lalaki ang naggreet pero kasalanan niya pa din! Bakit kasi ang ganda ganda niya?! Yung ganda niya umabot na sa tipong nakakairita kasi ang dami niyang nakukuhang atensyon.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon