SCW 54

64 6 3
                                    

"Waiting for Ma'am Tiexiera again?"

"Yes," nakangiti kong sagot sa tanong ng dumaang teacher.

"How lucky," rinig kong bulong niya sa kasama niya habang papalayo sila.

Nakasandal ako sa kotse ko habang hinihintay siyang lumabas ng gate. Hindi naman nagtagal ay nakita ko siyang papalapit, may mga kasamang estudyante pa nga at mukhang nagbibiruan sila.

I waved my hand at her when our eyes met. Her face beamed as she walked closer to me. Ang dami niya pang dalang bulaklak.

"Ma'am, boyfriend mo po?" tanong ng batang siga. May mga bandage pa siya sa mukha. Napaaway ba 'yon?

She laughed. "Uwi na kayo." Iwas niyang sagot!

"Oo, boyfriend niya ako, bakit?" maangas pero pabirong tanong ko.

"Ah, panget," ngisi ng batang lalaki, and he even stuck his tongue out.

"Hoy!" reklamo ko kaagad nang magtawanan silang papaalis.

"Estudyante mo ba 'yon, Ma'am Tiexiera?" sarkastiko kong tanong. "Ang babastos ha."

Ngiti-ngiti lang siyang nakatingin sa akin. Tumaas lang ang kilay ko nang halikan niya ako sa labi. "Nagbibiro lang ang mga 'yon," sambit niya sa malamyos na boses.

Olats, pre. Tunaw kaagad yung sama ng loob ko. Anong laban noon sa ngiti niya?

Ngumuso ako saka hinila siya papalapit para sa isang mahigpit na yakap.

"Sobrang namiss kita," bulong ko saka tinuntong ang ulo ko sa balikat niya.

"Kakahiwalay lang natin kaninang umaga."

"Ano naman ngayon? Eh sa namiss kita e. Magturo kaya ako dito, para araw-araw tayong magkasama," suhestiyon ko.

She laughed and pulled out from the hug, "Siraulo. Sinundo mo si Meseus?"

Tumango ako, "Oo, tapos pinasakay ko lang sa tricycle pauwi. Ikaw, sinadya ko dito."

I hissed when she pinched me. Mas matutuwa sana ako kung iba yung kinurot niya.

"Parang hindi mo kapatid," sambit niya sa akin.

"Dejoke lang. Wala siya dito, balita ko dumiretso na naman ng playground. Pagsasabihan ko na nga 'yon. Bakit hindi tumulad sa akin? Well-behaved ako noon tapos best in religion," pagyayabang ko.

A puffing sound came out from her mouth. "Really? Why can't I imagine it?" natatawang tanong niya.

"Inggit ka lang, Ma'am, kasi eager beaver award lang 'yung meron ka," lait ko sa kaniya.

She rolled her eyes with a smile. "Yeah, fine fine," she dismissed.

I put my hand on her cheek and softly caressed her skin. I gently pulled her closer to me, and she closed her left eye when I kissed her there. "Happy Teacher's Day, Ma'am."

She smiled and placed her hands on my chest. "Thank you. You're not busy?"

"Hmm? How can I be busy when it's a special day for my special girl? Are you tired? I prepared a date."

"It's fine. Pero okay lang bang ganito ang suot ko?"

I took a look at her whole appearance and whistled, "Oo naman. Ikukulong ko ang hindi sasang-ayon," biro ko.

Napailing siya. "Let's go," aya niya before getting in my car.

"Binigyan ka no'ng lalaki?" tanong ko habang nagdadrive ako. Tinutukoy ko yung co-teacher niyang may gusto sa kaniya.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon