SCW 53

66 7 2
                                    

"How unprofessional Prosecutor Silva. Flirting at work huh? "

I twitched in my seat and glimpsed at Prosecutor Zamora that's glaring at me. Mukhang kanina niya pa ako pinapanuod. Hindi ko man lang napansing pumasok siya ng office ko. I didn't pay attention to what he said saka nilapag ang cellphone ko sa mesa.

"Sauce ka pre."

"Sauce?" Kunot-noo kong tanong. Anong pinagsasabi nito?

"Saucepisyos. Sino ba 'yon?" Chismis pa ni Yule habang prenteng umupo sa kaharap na upuan ko.

"Wala 'yon, tanga."

He squinted his eyes and looked at me suspiciously. "Anong wala? Saka mo na sabihin 'yan sa akin kung hindi ka na nakangisi na parang... Ah, shit. My eyes," he even covered his eyes with his arm like he's protecting them from the sun.

I rolled my eyes, "Dami mong alam. "

"Kadiri naman kasi ang ngiting 'yan," nakangiwing sambit niya habang nakatingin sa akin.

"Inggetero." Inalis ko na lang tuloy ang ngiti ko saka nagseryoso.

"Sure kang wala pre? Kahit mga katrabaho natin tinatanong ako kung may girlfriend ka na daw kasi lagi ka daw good mood?!" Reklamo niya. "Ano? Pabulong naman oh, " Turo niya sa kaniyang tainga at nilapit pa nga ang mukha.

Tinulak ko siya papalayo pero nagulat ako nang tinangka niyang abutin ang cellphone ko. Mabuti na lang mas mabilis ang reflexes ko at naunahan ko siya.

Mapanuya ang mga tingin niyang pinukol sa akin. "Napakadamot."

"You're invading my privacy," I informed him. I didn't mind his persistent stares and asked, "Ano ba ang kailangan mo?"

Inirapan niya ako at proceeded to tell me his business. "About the hit-and-run case I mentioned earlier. I think there's more to it..."

I nodded to him, urging him to continue. We discussed the case he was referring to for nearly half an hour. Napatigil lang kami nang biglang tumunog ang phone ko.

Hindi ko sana papansinin kung hindi lang nahagip ng mata ko ang pangalan ni Amara. Napahinto ako saglit para silipin ang tinext niya at pinigilang mapangiti nang mabasa iyon.

Sinamaan ako ng tingin ni Yule nang makita ang pagpipigil ko. "Tangina mo. Ngumiti ka na. Huwag ka ng mahiya."

Natawa ako. "Sorry, I can't help it," ngiting-ngiting sabi ko.

"Pucha, kinikilig pa nga. Ano ba ang sabi?" Tanong niya saka titingnan din sana pero kaagad kong inoff ang screen saka nilagay sa bulsa ko ang phone ko.

"Tingnan mo 'to!" reklamo niya.

"Should we pick up where we left?" I asked instead.

Inis siyang napatingin sa akin, "Kainggit ampucha. Gusto ko din magkajowa pero gusto ko yung katrabaho lang. Masaya daw yung office romance."

I winced at his idea. "I'm not aware that... you like those kinds of things, Prosecutor Zamora."

"Grabe ka naman! I need an assistant, you know. Ka-work buddy ba. I need someone to look through my briefs," he grinned and wiggled his brows.

"Ibang brief naman ata 'yang tinutukoy mo, gago." Mura ko sa kaniya tapos natawa siya. "Tigang."

"Sa ating dalawa, ikaw yung tigang," walang pagdadalawang-isip na sambit niya.

I shook my head, not really minding what he said. "Shut up and let's continue. Madami pa akong gagawin ngayon."

"Gusto mo lang ngumisi ng walang makakakita e," rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na pinansin.

Sailing Close to the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon